Deutschlandlied

(Idinirekta mula sa Das Lied der Deutschen)

Ang "Deutschlandlied" (Aleman para sa "Ang Awitin ng Alemanya") o "Das Lied der Deutschen" (Aleman para sa "Ang Awitin ng mga Aleman") ay ginagamit - bahagi lamang o kabuoan nito - bilang pambansang awit ng Alemanya mula pa noong 1922. Sa labas ng Alemanya, ang awitin ay minsang nakikilala dahil sa pambungad na mga pananalita at sa inuulit na pariralang Deutschland, Deutschland über alles ng unang taludtod, bagaman hindi naman ito naging pamagat na orihinal na akda.

Isinulat ni Joseph Haydn ang tugtugin noong 1797 bilang isang awiting-handog para sa kaarawan ni Francis II, ang emperador ng Austria at ng Banal na Imperyong Romano ng Bansang Alemanya. Ang orihinal na pamagat ay Gott erhalte Franz den Kaiser, na naging awitin ng mga emperador ng Austria hanggang sa katapusan ng paghahari noong 1918. Noong 179y, ginamit din ito ni Haydn para sa ikalawang yugtong-galaw ng kaniyang String Quartet Bilang 62 sa C major, Op. 76, Bilang 3 (isang pagtatanghal na may apat na musikerong gumagamit ng mga instrumentong may kuwerdas), kung kaya't nakilala rin ito sa pamagat na Kaiserquartett.

Noong 1841, isinulat ni August Heinrich Hoffmann von Fallersleben, isang Alemang makata at maalam sa mga wika, ang panitik ng "Das Lied der Deutschen" alinsunod sa tugtugin ni Haydn. Ginawa niya habang nasa Heligoland, na noon ay nasasakupan ng Britanya. Ito at ang ibang mga katulad na akda ay na mapanghimagsik ng Prussia, kung kaya nawalan ng hanap-buhay si Hoffmann von Fallersleben dahil dito. Tagapangasiwa ng aklatan at guro sa Breslau si Hoffman von Fallersleben bago mawalan ng trabaho. Naibalik lamang siya sa kaniyang mga hanap-buhay nang matapos ang Mga Himagsikan ng mga estado ng Alemanya ng 1848.

Napiling pambansang awit ng Alemanya ang awiting ito noong 1922, noong kapanahunan ng Republikang Weimar. Ipinagpatuloy ang paggamit noong panahon ng Alemanyang Nazi, na ang ginagamit lamang ay ang unang taludtod, na dagliang sinusundan ng Horst-Wessel-Lied (Awiting Horst Wessel) ng Partidong Nazi. Noong 1952, inampon ng Kanlurang Alemanya ang ikatlong taludtod ng Deutschlandlied bilang kanilang tunay (de facto) na pambansang awit.

Panitik at salinwika

baguhin
 
Kopya ng Lied der Deutschen ni von Fallersleben. Ang orihinal ay nasa Berlinka ng Poland.[1]

Inilalahad ng mga sumusunod ang panitik ng Lied der Deutschen na isinulat ni Hoffmann von Fallersleben.

Tanging ang pangatlong taludtod lamang ang ginagamit sa kasalakuyan na Pambansang Awit ng Republikang Pederal ng Alemanya. Hindi bahagi ng Pambansang Awit ng Alemanya ang ibang dalawang taludtod.

Sa wikang Aleman Sa salinwika
Unang taludtod

Deutschland, Deutschland über alles,
Über alles in der Welt,
wenn es stets zu Schutz und Trutze
brüderlich zusammenhält.
von der Maas bis an die Memel,
von der Etsch bis an den Belt,
Deutschland, Deutschland über alles,
Über alles in der Welt!

Alemanya, Alemanya higit sa lahat,
Nangingibaw sa lahat ng bagay sa mundo,
Kung sa palagian, para sa kaligtasan at panananggalang,
Magkakapatid at magkakasamang nakatayo.
Mula sa Mosa hanggang sa Niemen,
Mula sa Adige hanggang sa Belt,
Alemanya, Alemanya higit sa lahat,
Nangingibabaw sa anumang bagay ng mundo.

Ikalawang taludtod

Deutsche Frauen, deutsche Treue,
deutscher Wein und deutscher Sang
sollen in der Welt behalten
ihren alten schönen Klang,
uns zu edler Tat begeistern
unser ganzes Leben lang.
Deutsche Frauen, deutsche Treue,
Deutscher Wein und deutscher Sang!

Kababaihang Aleman, Katapatang Aleman,
Alak na Aleman at awiting Aleman
Mapapanatili sa mundo
Ang kanilang matanda at magandang singsing
At hihikayat sa atin ng mga gawaing magiting
Sa kabuuan ng ating buhay.
Kababaihang Aleman, Katapatang Aleman,
Alak na Aleman at awiting Aleman!

Ikatlong taludtod
(Pambansang Awit ng Alemanya)

Einigkeit und Recht und Freiheit
für das deutsche Vaterland!
Danach lasst uns alle streben
brüderlich mit Herz und Hand!
Einigkeit und Recht und Freiheit
sind des Glückes Unterpfand;
Blüh' im Glanze dieses Glückes,
blühe, deutsches Vaterland.

Pagkakaisa at katarungan at kalayaan
Para sa Alemanyang amang-bayan!
Para rito magsumikap tayong lahat
Magkakapatid sa puso at kamay!
Pagkakaisa at katarungan at kalayaan
Ay mga panunumpa ng kapalaran;
Magpakasagana sa basbas na ito ng kapalaran,
Magpakasagana, Alemanyang amang-bayan.

Mga sanggunian

baguhin