Makinang wangisan

(Idinirekta mula sa Facsimile)

Ang makinang wangisan, makinang pangwangis, paksimilador, o paksador (Ingles: fax [pinaiksing facsimile na mula sa Lating fac simile o "gawing kahawig", "gawing katulad", o "gawing kawangis", na nagpapahiwatig ng "gumawa ng sipi" o "gumawa ng kopya"], fax machine, o facsimile machine), literal na makinang paks o making pangpaks, ay isang makinang gumagana dahil sa teknolohiyang pangtelekomunikasyon na ginagamit upang maglipat o magpadal ng mga siping katulad o kamukha ng mga dokumento, natatangi na ang paggamit ng abot-kayang mga aparatong gumagana sa ibaba ng network ng telepono. Ginagamit ding kasinonimo o kasingkahulugan para rito ang salitang telepaks (mula sa telefax, pinaikling telepaksimile (mula sa Ingles na telefacsimile, para sa "gumawa ng isang sipi mula sa malayo". Bagaman hindi isang daglat o akronimo ang fax, karaniwang itong isinusulat bilang "FAX". Nakikilala rin ang aparato o makina bilang isang telekopyador o telekopyahan ("tagagawa ng sipi" sa pamamagitan ng linya ng telepono) sa ilang partikular na mga industriya. Kapag nagpapadala ng mga dokumento sa mga taong nasa malalayong mga pook, mayroong natatanging mga kainaman ito kaysa sa mga ipinadadala sa koreo o liham-postal dahil agad na natatanggap ang kopya; subalit mayroon ding mga kakulangan sa kalidad kaya't nagiging mas mababa sa hanay ng e-liham na namamayaning anyo o paraan ng elektronikong dokumentong panglipat o pangpagpapadala. Kinakatawan ito ng Unikodigong .

Isang makinang wangisan.

Karaniwang binubuo ang makinang wangisan ng isang iskaner ng imahen, isang modem, at ng isang printer ng kompyuter.

Tingnan din

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.