Louis VII ng Pransiya
Si Louis VII (tinatawag na Louis ang Nakababata o Louis ang Bata) (Pranses: Louis le Jeune) (1120 – 18 Setyembre 1180) ay naging Hari ng mga Pranko, na anak na lalaki at kahalili ni Louis VI (na dahilan ng kaniyang palayaw na pagiging mas bata o nakababata). Naghari siya mula 1137 hanggang sa kaniyang kamatayan. Kasapi siya sa Kabahayan ng Capet. Ang kaniyang pamumuno ay pinangibabawan ng mga pagpupunyaging peudal (partikular na ang laban sa mag-anak na Angevin), at napagmasdan niya ang simula ng mahabang tunggalian sa pagitan ng Pransiya at ng Inglatera. Napagmasdan din niya ang pagsisimula ng pagtatayo sa Notre-Dame de Paris, ang pagtatatag ng Pamantasan ng Paris at ang mapinsalang Ikalawang Krusada.
Louis VII ng Pransiya | |
---|---|
Kapanganakan | 1120 (Huliyano)
|
Kamatayan | 18 Setyembre 1180 (Huliyano)
|
Mamamayan | Pransiya |
Trabaho | monarko |
Asawa | Eleanor ng Aquitania (25 Hulyo 1137–) |
Anak | Marie ng Pransiya Philip II ng Pransiya |
Magulang |
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Pransiya at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.