Louis VI ng Pransiya

Si Louis VI[1] o Luis VI (1 Disyembre 1081 – 1 Agosto 1137), tinaguring ang Mataba (le Gros), ay ang Hari ng Pransiya mula 1108 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1137. Sa mga sulatin, tinatawag siyang "roi de Saint-Denis". Bilang unang miyembro ng Kabahayan ng Capet na nakagawa ng tumagal na mga kontribusyon sa pagsesentro ng mga institusyon ng kapngyarihan maharlika,[2] Isinilang si Louis sa Paris, anak ni Philip I at na kaniyang unang asawang si Bertha ng Holland. Halos kabuoan ng kaniyang dalawampu't-siyam na taong paghahari ang iginugol sa pakikipaglaban sa mga "magnanakaw na mga baron" na naging epidemya sa Paris, o laban sa mga haring Norman ng Inglatera dahil sa kanilang posesyong kontinental ng Normandy. Subalit, nagawa pa rin ni Louis VI na ipatupad ng lubos ang kaniyang kapangyarihan at naging isa sa mga unang malalakas na hari ng Pransiya mula noong pagkakahati ng Imperyong Karolinyano. Ayon sa kaniyang talambuhay, na isinulat ng manunulat ng kasaysayan at kaniyang palagiang tagapayong si Abbot Suger, isang may maiging pag-uugali at katauhan si Louis VI, kung ihahambing mula sa mga naunang mga hari.

Louis VI ang Mataba
Hari ng mga Frank(marami pa...)
Paghahari29 Hulyo 1108 – 1 Agosto 1137
Koronasyon3 Agosto 1108, Cathedral Ste Croix, Orléans
PinaglibinganBasilika ni San Dionisio, Paris, Pransiya
SinundanPhilip I
KahaliliLouis VII
KonsorteLucienne de Rochefort
Adélaide de Maurienne (1092–1154)
SuplingPhilip, Rex Filius (1116–1131)
Louis VII (1120–1180)
Henry, Arsobispo ng Reims (1121–1165)
Robert, Konde ng Dreux (c.1123–1188)
Constance, Kondesa ng Toulouse (c.1124–1176)
Philip, Arkdiyakuno ng Paris (1125–1161)
Peter, Panginoong ng Courtenay (d. Pagitan ng 1179-1183) (c.1125–1183)
Bahay MaharlikaKabahayan ng Capet
AmaPhilip I (23 Mayo 1052 – 29 Hulyo 1108)
InaBertha ng Holland (c.1055-1094)

Talambuhay

baguhin

Si Louis VI ang unang Kapetiyanong hari na bumuwag sa kapangyarihn ng mga maharlikang piyudal. Pinamunuan niya ang kaniyang mga hukbo laban sa laban sa mga magnanakaw na mga panginoon at laban din kina Emperador Henry V at Henry I ng Inglatera. Pinangalagaan niya ang mga pag-aari ng mga kaparian.[1]

Sanggunian

baguhin

Talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Louis VI, the Fat". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Norman F. Cantor, The Civilization of the Middle Ages 1993, p 410.

Bibliyograpiya

baguhin
  • Ancestral Roots of Certain American Colonists Who Came to America Before 1700 ni Frederick Lewis Weis, Mga linya: 96-28, 101-24, 117-24, 117-25, 169A-26, 274A-25
  • Suger, Abbot of Saint Denis,. The Deeds of Louis the Fat. Sinalin na may introduksiyon at mga tala nina Richard Cusimano at John Moorhead. Washington, DC : Catholic University of America Press, 1992. (ISBN 0-8132-0758-4)
  • Suger, Abbot of Saint Denis,. The Deeds of Louis the Fat Naka-arkibo 2014-08-14 sa Wayback Machine.. Sinalin ni Jean Dunbabin (malaya ang bersyon ito, subalit walang mga anotasyon)
Louis VI ng Pransiya
Kapanganakan: 1 Disyembre 1081 Kamatayan: 1 Agosto 1137
Sinundan:
Philip I
Hari ng Pransiya
kasama si:
Philip (II) bilang ka-Hari
(14 Abril 1129 – 13 Oktubre 1131);
Louis VII bilang ka-Hari
(25 Oktubre 1131 – 1 Agosto 1137)

29 Hulyo 1108 – 1 Agosto 1137
Susunod:
Louis VII