Application programming interface

Ang application programming interface (API) sa computer programming ay binubuo ng mga computer subprogram, protocols, at iba pang mga kasangkapan sa pagbuo ng software applications. Pinapagana ng API ang isang software gamit ang mga metodo at prosesong nakapaloob sa source code nito. Binubuo nito ang iba't ibang mga proseso na may kakayahang magsarili kaya nakapagbibigay ng pag-iiba ng mga proseso at kaparaanan nang hindi nababago ang resulta. Nakapagpapadali sa pagbuo ng isang programa ang isang magandang API sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga subprograms na kailangan. Pagkaayos ay pinagsasama na ng programmer ang lahat ng mga blocks sa iisang source code.

Screenshot of web API documentation written by NASA

Karagdagan sa pagpapatakbo ng database at computer hardware, katulad ng hard disk drives at video cards nito, napadadali nito ang pagbuo ng GUI isang elemento sa interface ng computer. Halimbawa na lang ay ang pagsasaganap ng pagdagdag ng panibagong katangian sa isang software application (tinatawag din na "plug-in API"). Ang API ay maari ring magsilbing tulay sa pagbabahaginan ng impormasyon ng mga software applications upang mas mapabuti pa ang paggamit ng isang programa.

Kadalasan, ang API ay nasa anyo ng isang library na naglalaman ng mga detalye tungkol sa routines, data structures, object classes, at mga variables. Minsan, ang API ay detalye lamang tungkol sa remote calls na napapakialaman ng gumagamit. Halimbawa nito ay ang mga web services na tulad ng SOAP at REST.

Mga sanggunian

baguhin