Ang Apteryx ay isang genus (sari) ng mga ibong hindi nakakalipad na endemiko sa Bagong Selanda, na nasa loob ng pamilyang Apterygidae. Ang karaniwang pangalan nito sa Ingles ay kiwi.

Kiwi
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Aves
Orden: Apterygiformes
Pamilya: Apterygidae
Sari: Apteryx
Shaw, 1813[1]
Mga uri

Apteryx haastii
Malaking natutuldukang kiwi
Apteryx owenii
Maliit na natutuldukang kiwi
Apteryx rowi
Kayumang kiwing Okarito
Apteryx australis
Kayumangging kiwi
Apteryx mantelli
Kayumangging kiwi ng Hilagang pulo

Kasingkahulugan

Apternyx [sic, may kamalian] Swainson 1837
Stictapteryx Iredale & Mathews 1926
Kiwi Verheyen 1960

Sa sukat na may pagkakatulad ng sa domestikadong manok, ang kiwi sa ngayon ang pinakamaliit na nabubuhay na mga ratito at nangingitlog ng pinakamalaking itlog batay sa kanilang sukat o laki ng katawan.[2] May limang kinikilalang mga uri, at lahat ay nanganganib.

Pambansang sagisag ng Bagong Selanda ang kiwi. Nagmula sa ibong ito ang kasalukuyang pangalan ng bungang kiwi.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Brands, Sheila (14 Agosto 2008). "Systema Naturae 2000 / Classification, Family Apterygidae". Project: The Taxonomicon. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Hulyo 2011. Nakuha noong 4 Pebrero 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Soo ng San Diego

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Ibon at Bagong Selanda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.