Agham, teknolohiya, at lipunan

(Idinirekta mula sa Araling agham at teknolohiya)

Ang agham, teknolohiya at lipunan (Ingles: science, technology and society, dinadaglat bilang STS), na tinatawag ding araling pang-agham, pangteknolohiya at panlipunan, ay ang pag-aaral ng kung paano nakakaapekto ang mga pagpapahalaga na pangpakikipagkapuwa, panlipunan, pampolitika, at pangkultura sa pananaliksik na pang-agham at inobasyong pangteknolohiya; at kung paano naman naaapektuhan ng pananaliksik na pang-agham at inobasyong pangteknolohiya Naka-arkibo 2022-10-01 sa Wayback Machine. ang lipunan, politika at kultura. Ang mga dalubhasa sa larangang ito ay nakatuon sa sari-saring mga suliranin na kinabibilangan ng ugnayan sa pagitan ng mga inobasyon na pang-agham at pangteknolohiya at ng lipunan, at sa mga kinapupuntahan at mga panganib ng agham at teknolohiya. Mayroong mahigit sa dalawang dosenang mga pamantasan sa buong mundo ang nag-aalok ng mga degring pambatsilyerato sa STS. Tinatayang kalahati ng mga ito ang nag-aalok din ng mga degring pangduktoral at pangmaster. Ang isang modelo ng STS ay nilikha at pinaunlad ng mga iskolar upang isaalang-alang ang mga epektong panloob at panlabas.


AghamTeknolohiyaSosyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham, Teknolohiya at Sosyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.