Ang araling urbano ay isang kataga para sa iba't ibang mga disiplina at mga pagharap sa pag-aaral ng lahat ng mga aspekto ng mga lungsod, ng mga lugar na sub-urbano nito, at iba pang mga pook na urbano. Kabilang dito ang ekonomiks na urbano, pagpaplanong urbano, arkitekturang urbano, ekolohiyang urbano, mga urbanong sistemang pangtransportasyon, politikang urbano, at mga urbanong ugnayang panlipunan. Sa malawakang diwa, binibigyang kahulugan din ang araling urbano bilang pag-aaral ng mga sanhi ng urbanisasyon at ng mga epekto nito sa mga tao, pati na sa likas at ginawang mga kapaligiran.[1] Isa itong larangang interdisiplinaryo na naghihikayat ng pag-aaral ng mga paksa at suliraning urbano, kabilang na ang samu't saring mga anggulo at mga pananaw na pangmetodolohiya na tumutuon sa mga dimensiyon ng urbanong pamumuhay na panlipunan, pangkultura, pang-ekonomiya, pangkapaligiran, pampolitika, pampatakaran, pagpaplano, at/o pangdisenyo.[1] Kabaligtaran ito ng pag-aaral na may kaugnayan mga pook na rural at mga estilo ng pamumuhay na rural.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 What is Urban Studies?, Wesleyan University


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.