Arashi
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. (Agosto 2009) |
Ang Arashi (嵐 Bagyo) ay grupo ng mang-aawit na binubuo ng limang lalaki mula sa bansang Hapon. Sinimulan noong 15 Setyembre 1999 ng companyang Johnny & Associates (Johnny's), sila ay unang nailagda sa Pony Canyon records hanggang 2002, bago inilipat sa J-Storm records (na pag-aari ng Johhny's), na ngayon ay gumagawa at nag-po-produce ng kanilang mga awit at album.
Arashi 嵐 | |
---|---|
Kabatiran | |
Pinagmulan | Tokyo, Hapon |
Genre | J-Pop (Hapon na Pop), R&B, Hip-Pop, Bubblegum Pop |
Taong aktibo | 1999 - Kasalukuyan |
Label | Pony Canyon (1999-2002) J Storm (2002-Kasalukuyan) |
Miyembro | Satoshi Ohno, Sho Sakurai, Masaki Aiba, Kazunari Ninomiya, Jun Matsumoto |
Website | Opisyal na Pahina sa J Storm |
Kasaysayan
baguhinMaraming uri ng musika ang inaawit ng grupo, katulad ng R&B, hip hop at iba't-ibang uri ng pop. Maliban sa pagiging sikat na idols sa bansang Hapon, kilala rin ang Arashi sa ibang bansa sa Asya at sa mga taga-tangkilik ng j-pop sa buong mundo. Ipinakilala ang grupo ng Johnny's noong 15 Setyembre 1999 sa isang pulong pambalitaan sa isang barko sa karagatan ng Honolulu, Hawaii. Ang kanilang unang awit, "A・RA・SHI", ang naging temang awit para sa World Cup ng Volleyball na ginanap sa Hapon noong 1999.[1]
Pagsapit ng 2006, ang kanilang mga album at mga kanta ay inilalabas na labas ng bansang Hapon. Ang kanilang ika-6 na album, Arashic, ay inilabas rin sa Hong Kong, Timog Korea, Taiwan at Thailand. Bilang pasasalamat sa kanilang mga taga-tangkilik sa ibang bansa, inilunsad ang isang araw na Jet Storm Tour, na lumibot sa Taiwan, Thailand at Timog Korea, na mga bansang naging bahagi ng kanilang unang mga konserto sa labas ng Hapon (Hindi itinuloy ang konserto na gaganapin sana sa Thailand dahil sa isang kudeta doon).
Ang konserto sa Korea ay pinagpasiyahan dahil sa humigit-kumulang na 1,500 mga taga-hanga na sumalubong sa grupo sa Paliparan ng Incheon para sa isang pulong pambalitaan.[2] Ang konserto, na ginanap noong 12 Nobyembre 2006, ang kauna-unahang konserto ng isang grupo ng Johnny's sa Timog Korea.[3][4] Ang mga tiket para sa konserto ay naubos matapos ang isang oras, matapos mag-unahan ang humigit sa 150,000 na tao na bumili ng tiket sa internet.[5] Maliban sa kanilang konserto, kinatawan nila ang bansang Hapon sa 2006 Asia Song Festival na ginanap rin sa Timog Korea.[2]
Ang kanilang unang kanta ng 2007, ang "Love so sweet", ay inilabas noong 21 Pebrero 2007. Ang awit ay ginamit nilang tema sa palabas na Hana Yori Dango 2 Returns, na isa sa pinaka-pinanood na palabas sa telebisyon sa Hapon noong 2007. Umabot ang kantang ito sa unang lugar sa Talaan ng Oricon, at nagtala ng higit sa 200,000 kopyang naibenta matapos ang isang linggo. Ang sumunod nilang kantang "We Can Make It!" na inilabas noong Mayo, ay umabot rin sa unang lugar sa Oricon. Matapos ang kanilang matagumpay na konserto sa iba't ibang bansa sa Asya, inilunsad ang isa sa kanilang pinala-malaking konserto, na pinamagatang Arashi Around Asia in Dome. Sa dami ng mga taong nais makanood ng konserto, ginananap ito sa dalawang malalaking simboryo sa Osaka at Tokyo, na may kakayahang mag-laman ng 100,000 katao bawat isa.[1] Ang kanilang ika-9 na album, ang Time, na inilabas noong Hulyo, ay naka-abot hindi lamang sa unang pwesto sa Oricon sa Hapon, kundi pati sa pandaigdigan na talaan sa ikalawang pwesto. Noong Hulyo rin ipinalabas nang Tokyo Broadcasting System (TBS) ang palabas na Yamada Taro Monogatari na kinabilangan nina Kazunari Ninomiya at Sho Sakurai. Ang temang awit para rito na pinamagatang "Happiness" ay inawit rin ng grupo at umabot sa rin unang pwesto sa Oricon. Sa kabuuan, naging matagumpay ang taong 2007 para sa grupo; ang lahat ng kanilang mga inilabas na kanta ay umabot sa taunang Top 30 ng Oricon, kabilang na ang "Love so sweet" na umabot pa sa ika-4 sa pinaka-mabentang nag-iisa ng buong taon.
Dala ng tagumpay nila noong nakalipas na taon, dalawang malaking pagpapahayag ang ginanap noong Pebrero 2008. Ang una ay ang kanilang paglibot sa limang malalaking simburyo sa Tokyo, Nagoya, Osaka, Fukuoka, at Sapporo. Ang paglibot na pinangalanang ARASHI Marks 2008 Dream-A-live ay binubuo ng 10 pangtatanghal mula Mayo 16 sa Osaka hanggang Hulyo 6 sa Sapporo. Dalawang ibang mga grupo pa lamang sa Johnny's ang nagtanghal ng paglilibot sa mga lugar na ito, ang SMAP at KinKi Kids.[6] Ang ikalawang pagpapahayag ay mula sa TBS, na ipinahayag na ang grupo ay magiging punong abala sa isang variety na palabas sa primetime, na tutukoy sa mga usaping panlipunan at kultural. Ang palabas, na may pamagat na Himitsu no Arashi-chan ("Lihim ni Arashi-chan") ay isasahimpapawid ng ika-10 ng gabi mula Abril 10.[7] Bilang pagpapakalat ng programa, ang grupo ay lumabas sa Tokyo Friend Park ng TBS noong 31 Marso, na naging pinaka-pinanood na palabas na hindi drama noong gabing iyon, na nagtala ng 19.7% na rating.[8] Sila ang ika-3 grupong mag-tatanghal sa National Stadium ng Tokyo sa kanilang unang outdoor na konserto sa 5 Setyembre 2008 (Matapos ng SMAP at Dreams Come True) upang simulan ang kanilang pangalawang paglilibot sa Asya, na pumunta sa Seoul, Timog Korea, Taipei sa Taiwan, at sa Shanghai, ang unang konserto ng Johnny's sa Tsina.[9][10] Noong parehong taon, nakamit ng grupo ang dalawang pinaka-mataas na pwesto ng talaan ng Oricon para sa mga nag-iisang kanta. Ang "truth/Kaze no Mukou e" ang naging pinaka-maraming nabentang kopya ng nag-iisa, na nasundan ng "One Love". Ang Arashi ang ika-lima lamang na mang-aawit na nakagawa ito, na huling nangyari labing-syam na taong nakaraan ng grupong Princess Princess. Samantala, ang kanilang huling kanta ng 2008, ang "Beautiful days" ay nasa ika-10 pwesto at ang "Step and Go" naman ay nasa ika-12.[11]
Sa ngayon, ang Arashi ay naglabas na ng dalawampu't isang mga awiting inilabas na nag-iisa at walong album.
Mga Miyembro
baguhinAng Arashi ay binunuo nila
- Satoshi Ohno (大野智)
- Sho Sakurai (櫻井翔)
- Masaki Aiba (相葉雅紀)
- Kazunari Ninomiya (二宮和也)
- Jun Matsumoto (松本潤)
Diskograpiya
baguhinMga album
baguhin# | Natatanging impormasyon | Mga nag-iisa |
---|---|---|
1 | Arashi No.1 Ichigou -Arashi wa Arashi o Yobu!- 嵐 No.1 (Ichigou) -嵐は嵐を呼ぶ-
|
|
2 | Here We Go!
|
|
3 | How's It Going?
|
|
4 | Iza, Now! いざッ、Now!
|
|
5 | One
|
|
6 | Arashic
|
|
7 | Time
|
|
8 | Dream"A"live
|
|
- Sanggunian ng impormasyon sa Talaan ng Oricon:[17]
Mga album na kalipunan
baguhin# | Natatanging impormasyon | Mga nag-iisa (Na hindi pa inilabas sa ibang album) |
---|---|---|
1 | Arashi Single Collection 1999-2001
|
|
2 | Arashi 5x5: The Best Selection of 2002-2004
|
|
- Sanggunian ng impormasyon sa Talaan ng Oricon:[17]
Mga nag-iisa
baguhinInilabas noong | Pamagat | Pinakamataas na pwesto sa Talaan (Hapon)[17] | Leybel/Numero sa Katalog | Natatanging Impormasyon |
---|---|---|---|---|
1999-11-03 | "A・RA・SHI" | #1 | Pony Canyon DJ-00001 |
Ginamit sa programang V no Arashi |
2000-04-01 | "Sunrise Nippon/HORIZON" (Sunrise日本/HORIZON) |
#1 | CJ-00001 | Ginamit sa palabas na Ikebukuro West Gate Park |
2000-07-12 | "Typhoon Generation" (台風ジェネレション) |
#2 | CJ-00002 | |
2000-11-08 | "Kansha Kangeki Ame Arashi" (感謝カンゲキ雨嵐) |
#1 | CJ-00003 | Temang awit para sa palabas na Namida o Fuite |
2001-04-18 | "Kimi no Tame ni Boku ga Iru" (君のために僕がいる) |
#1 | CJ-00005 | |
2001-08-01 | "Jidai" (時代) |
#1 | CJ-00006 |
|
2002-02-06 | "A Day in Our Life" | #1 | J Storm JADA-5001 |
Temang awit para sa palabas ni Sho Sakurai na Kisarazu Cat's Eye |
2002-04-17 | "Nice na Kokoroiki" (ナイスな心意気) |
#1 | JADA-5002 JADA-5003 |
|
2002-10-17 | "PIKA☆NCHI" | #1 | JADA-5004 JADA-5005 |
Ginamit sa pelikulang Pika☆nchi Life is Hard Dakedo Happy |
2003-02-13 | "Tomadoi Nagara" (とまどいながら) |
#2 | JADA-5005 JADA-5006 |
Isa sa mga kantang ginamit sa palabas na Yoiko no Mikata |
2003-09-03 | "Hadashi No Mirai/Kotoba yori Taisetsu na Mono" (ハダシの未来/言葉より大切なもの) |
#2 | JADA-5009 JADA-5010 |
|
2004-02-18 | "PIKA★★NCHI Double" | #1 | JADA-5012 JADA-5013 |
Ginamit sa pelikulang Pika☆☆nchi Life Is Hard Dakara Happy |
2004-08-18 | "Hitomi no Naka no Galaxy/Hero" (瞳の中のGalaxy/Hero) |
#1 | JACA-5016 JACA-5017 JACA-5018 |
|
2005-03-23 | "Sakura Sake" (サクラ咲け) |
#1 | JADA-5021 JADA-5022 |
Ginamit na tema para sa Johnan Yobiko, isang paaralan. |
2005-11-16 | "Wish" | #1 | JADA-5026 JADA-5027 |
Pambungad na awit para sa palabas ni Jun Matsumoto na Hana Yori Dango |
2006-05-17 | "Kitto Daijoubu" (きっと大丈夫) |
#1 | JADA-5039 JADA-5040 |
Nagustuhan nito ng ilang mga sikat na mangaawit katulad nina Ken Hirai at Eiji Wentz (WaT). |
2006-08-02 | "Aozora Pedal" (アオゾラペダル) |
#1 | JACB-0001 JACB-0002 JACB-0003 |
Temang kanta para sa pelikulang Honey & Clover, na kasama si Sho Sakurai |
2007-02-21 | "Love so sweet" | #1 | JADA-5052 JADA-5053 |
Pambungad na awit para sa palabas ni Jun Matsumoto na Hana Yori Dango 2 Returns |
2007-05-17 | "We Can Make It!" | #1 | JADA-5059 JADA-5060 |
Pambungad na awit para sa palabas ni Jun Matsumoto na Bambino! |
2007-09-05 | "Happiness" | #1 | JADA-5070 JADA-5071 |
Pambungad na awit para sa palabas nina Kazunari Ninomiya and Sho Sakurai na pinamagatang Yamada Taro Monogatari |
2008-02-20 | "Step and Go" | #1 | JACA-5086 JACA-5088 |
Nagtala ng higit sa 300,000 kopyang naibenta sa loob lamang ng isang linggo. |
2008-06-25 | "One Love" | #1 | JACA-5102 JACA-5104 |
Gagamitin sa pelikulang Hana Yori Dango Final, na kasama si Jun Matsumoto. |
2008-08-20 | "truth/Kaze no Mukou e" (truth/風の向こうへ) |
#1 | JACA-5109-10 JACA-5111-12 JACA-5113 |
|
2008-11-05 | "Beautiful Days" | #1 | JACA-5124 JACA-5122 |
Gagamitin sa palabas Ryusei no Kizuna, na kasama si Kazunari Ninomiya. |
2009-03-04 | "Believe/Kumorinochi, Kaisei" | TBD | JACA-5132-33 JACA-5134-35 JACA-5136 |
|
Mga Iba pang Inilabas
baguhinVideo
baguhinInilabas noong | Pamagat | Leybel/Numero sa Katalog |
---|---|---|
2000-06-28 | "Suppin' Arashi" | Pony Canyon PCVP-52921 (VHS) |
2002-06-12 | "All or Nothing" | J Storm JABA-5001 (DVD) JAVA-5001 (VHS) |
2003-06-25 | "Pika☆nchi Life is Hard Dakedo Happy" (ピカ☆ンチ Life is Hard だけど Happy) |
Johnny's PIBD-7340 (DVD) PIBD-7341 (Limited Ed. VHS) |
2003-12-17 | "How's It Going?" | J Storm JABA-5002 (DVD) JAVA-5002 (VHS) |
2005-01-01 | "2004 Arashi! Iza, Now Tour!!" | JABA-5005 (DVD) JABA-5006 (LE DVD) JAVA-5004 (VHS) |
2004-02-18 | "Making of Pika☆nchi Life is Hard Dakara Happy" (メイキング・オブ・ピカ☆ンチ Life is Hard だから Happy) |
Johnny's GNBD-7008 (DVD) |
2004-10-20 | "Pika☆nchi Life is Hard Dakara Happy" (ピカ☆ンチ Life is Hard だから Happy) |
GNBD-7066 (LE DVD) GNBD-7067 (DVD) |
2006-11-01 | "C x D x G no Arashi Vol. 1" | VPBF-12667 (DVD) |
2006-11-01 | "C x D x G no Arashi Vol. 2" | VPBF-12668 (DVD) |
2007-05-23 | "Arashi Around Asia; Thailand-Taiwan-Korea" | J Storm JABA-5020-5022 (LE DVD) JABA-5023-5024 (DVD) |
2007-10-03 | "Kiiroi Namida" (Luhang dilaw) (黄色い涙) |
Johnny's GNBD-7429 (LE DVD) GNBD-7430 (DVD) |
2007-10-17 | "Arashi Around Asia+ in Dome" | J Storm JABA-5025-5026 (LE DVD) JABA-5027-5028 (DVD) |
2008-04-16 | "Summer Tour 2007 Final: Time - Kotoba no Chikara" (Kakayahan ng salita) (Summer Tour 2007 Final: Time - コトバノチカラ) |
J Storm JABA-5038 (DVD) |
Aklat ng Litrato
baguhinInilabas noong | Pamagat | Naglimbag | ISBN |
---|---|---|---|
2002-06-15 | In A Rush | Magazine House | 4-838783-60-4 |
2002-10-04 | Arashi 04150515 | M. Co. | 4-048535-59-5 |
2004-03-01 | Pikanchi A to Z: Arashi no Pikanchi Daburu na Hibi (ピカ☆ンチ AtoZ 嵐のピカ☆ンチダブルな日々) |
M. Co. | 4-048941-53-4 |
2005-07-26 | Arashigoto: Marugoto Arashi no 5-Nen-Han (アラシゴト まるごと嵐の5年半) |
Shuueisha | 4-087804-16-X |
2007-01-11 | Arashi Around Asia | M. Co. | 4-048942-01-8 |
2007-04-04 | Kiiroi Namida: 1963's Arashi (黄色い涙 西暦一九六三年の嵐) |
M. Co. | 4-048942-03-4 |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 (Hapon) Arashi Biography Naka-arkibo 2012-01-18 sa Wayback Machine., Johnny's Net. Nakuha noong 2008-06-05.
- ↑ 2.0 2.1 J-Pop Group Arashi Promises to Charm Korean Fans Naka-arkibo 2007-03-14 sa Wayback Machine., The Korean Times. Nakuha noong 2008-06-05. Alternatibong kawing [1] Naka-arkibo 2009-01-17 sa Wayback Machine. Nakuha noong 2008-06-07.
- ↑ Taking Korea by Storm Naka-arkibo 2007-02-27 sa Wayback Machine. Japan Zone. Accessed March 2007.
- ↑ Arashi begins its conquest of Asia, Tokyograph. Nakuha noong 2008-06-05.
- ↑ Arashi Concert in Korea Sold Out in 1 Hour Naka-arkibo 2008-11-13 sa Wayback Machine., KBS Global. Nakuha noong 2008-06-05.
- ↑ Arashi Announces "5 Dome Tour", Tokyograph. Nakuha noong 2008-06-05.
- ↑ Arashi to host prime time variety show, Tokyograph. Nakuha noong 2008-06-05.
- ↑ (Hapon) March 31 TV Ratings, non-drama, Shichoritsu TV Ratings. Nakuha noong 2008-06-05.
- ↑ Othello's Matsushima to Wed Marsas Sound Machine Singer, Japan Zone. Nakuha noong 2008-06-20.
- ↑ Johnny's group Arashi to tour Asia from September Naka-arkibo 2008-09-07 sa Wayback Machine., Japan Today. Nakuha noong 2008-06-20.
- ↑ Taunang Ranking ng Oricon Naka-arkibo 2008-12-12 sa Wayback Machine., Oricon. Nakuha noong 2009-01-30.
- ↑ Week 32 / 2004 - August 7, United World Charts. Nakuha noong 2008-06-05.
- ↑ Week 32 / 2005 - August 20, United World Charts. Nakuha noong 2008-06-05.
- ↑ Week 29 / 2006 - July 22, United World Charts. Nakuha noong 2008-06-05.
- ↑ Week 30 / 2007 - July 28, United World Charts. Nakuha noong 2008-06-05.
- ↑ Week 19 / 2008 - May 10, United World Charts. Nakuha noong 2008-06-05.
- ↑ 17.0 17.1 17.2 Arashi Naka-arkibo 2008-11-10 sa Wayback Machine. na Pahina sa ThePPN. Nakuha noong 2008-06-05.
- ↑ Week 48 / 2004 - November 27, United World Charts. Nakuha noong 2008-06-05.