Araw ng Pasasalamat

Ang Araw ng Pasasalamat, Araw ng Pagpapasalamat, o Araw ng Pagpasasalamat (Ingles: Thanksgiving Day) ay isang pesteho ng pag-aani. Sa pangkalahatan, tradisyunal itong isang panahon ng pagbibigay ng pasasalamat para sa mga ani at magpadama ng utang na loob. Isa itong araw ng pagdiriwang na pangunahing isinasagawa sa Canada at sa Estados Unidos. Bagaman tila pangpananampalataya ang simulain, pangkasalukuyang pangunahing itinuturing ang Pagpapasalamat na ito bilang isang kapistahang sekular.

Araw ng Pasasalamat
Ipinagdiriwang ngCanada, Estados Unidos
UriPambansa
PetsaPangalawang Lunes ng Oktubre (Canada)
Pang-apat na Huwebes ng Nobyembre (Estados Unidos)

Isang paksang may pagpapakumbabang pangangatwiran ang petsa at lokasyon ng unang selebrasyon ng Pagpapasalamat. Isang pagdiriwang na naganap sa pook ng Taniman ng Plymouth sa Kolonya ng Plymouth ang nakaugaliang "unang Pagpapasalamat" noong 1621. Maagang nangyari ang selebrasyong Plymouth sa kasaysayan ng magiging isa sa labintatlong mga kolonya na naging ang Estados Unidos. Pagsapit ng dekada ng 1800, naging isang mahalagang bahagi ng mitong Amerikano ang kapistahang ito. Ang Pagpapasalamat na ito, na hinango mula sa mga pagpipistang pangkaraniwan sa Europa ng makabagong panahon, ay pangkalahatang itinuturing bilang pinakauna sa Amerika. Pinangangatwiranan ni Robyn Gioia, isang guro sa mababang paaralan, na ang pinakamaagang pagsasagawa ng "pagpapasalamat" sa pook na kilala ngayon bilang Estados Unidos ay ipinagdiwang ng mga Kastila noong Setyembre 8, 1565 sa lugar na nakikilala sa kasalukuyan bilang San Agustin, Plorida.[1][2] Sa ngayon, ipinagdiriwang ang Pagpapasalamat tuwing ikalawang Lunes ng Oktubre sa Canada at tuwing ikaapat na Huwebes ng Nobyembre sa Estados Unidos. Ginaganap ang Hapunan ng Pasasalamat sa araw na ito, karaniwang bilang isang pagsasalu-salo at pagtitipun-tipon ng mga kasapi ng mag-anak at mga kaibigan.

Estados Unidos

baguhin
 
Dibuho ng "Ang Unang Pasasalamat sa Plymouth" na ipininta ni Jennie A. Brownscombe, 1914.

Noong 1863, itinalaga ng dating Pangulo ng Estados Unidos na si Abraham Lincoln ang huling Huwebes ng Nobyembre bilang pambansang Araw ng Pasasalamat. Noong 1941, permanenteng inilunsad ng Kongreso ng Estados Unidos ang ikaapat na Huwebes ng bawat Nobyembre bilang isang pambansang piyesta opisyal.

Canada

baguhin

Simula noong 5 Abril 1872, dinala ng mga imigranteng Amerikano sa Canada ang kanilang mga kaugalian at nakagawiang gawain tuwing ipinagdiriwang ang Araw ng Pasasalamat sa Estados Unidos. Noong 1957, itinalaga ng Parlamento ng Canada ang pangalawang Lunes ng bawat Oktubre bilang pambansang piyesta opisyal ang kanilang Araw ng Pasasalamat.

Grenada

baguhin

Sa Grenada, mayroong isang pambansang piyesta opisyal na tinatawag ding Araw ng Pasasalamat na ginagawad tuwing Oktubre 25. Wala itong kaugnayan sa mga kapistahang isinasagawa ng Canada at sa Estados Unidos bagaman katulad ng mga ito ang pangalan ng sa Grenada at nagaganap sa bandang katulad na panahon. Isa itong palatandaan ng anibersaryo o kaarawan ng Paglusob sa Grenada na pinangunahan ng Estados Unidos noong 1983 bilang tugon sa deposisyon at pagkitil sa buhay ng Punong Ministro ng Grenadang si Maurice Bishop.[3]

Olanda

baguhin

Isang seremonya ng isang Araw ng Pasasalamat ang ginagawa sa Hooglandse Kerk upang alalahanin ang magiliw at magandang pagtanggap na natanggap ng mga Peregrino o Pilgrimo habang papunta sila sa Bagong Mundo. Dumating sa Leiden ang mga Pilgrimo noong 1609, pagkaraan lumikas mula sa pag-uusig na pangpananampalataya sa Inglatera. Tinanggap sila ng Leiden dahil nangangailangan ito ng mga imigrante upang makatulong sa muling pagtatayo ng industriya ng tela nito, na nasalanta ng isang matagal na panahong paghihimagsik laban sa Espanya. Dito, pinahintulutan ang mga Pilgrimong sumamba ayon sa kanilang kanaisan, at naglathala rin sila ng kanilang mga argumento tumatawag sa paghihiwalay ng simbahan at ng estado. Pinangangasiwaan ni Jeremy Bangs ang Museo ng Amerikanong Pilgrimo ng Leiden. Sinabi niyang mabilisang inako ng mga Pilgrimo ang ilang mga kaugaliang Olandes, katulad ng kasal na sibil at Pasasalamat.[4]

Kasalukuyang paghahanda

baguhin
 
Isang pangkasalukuyang nakaugaliang hapag na may pagkain sa hapunan ng Araw ng Pasasalamat. Nasa kanan ang paboritong pabo.

Bilang isang pagdiriwang na tumatagal ng may apat na araw na umaabot hanggang Sabado at Linggo. Karaniwang kumakain ang mga mag-anak at mga kaibigan ng pamilya ng isang natatanging pangkat ng mga pagkain, kalimitang ang pabo ang pangunahing putahe, at inaalala nila ang grupo ng mga Pilgrimo na unang nanirahan sa Hilagang Amerika na nagbuhat sa Inglatera noong 1620 upang magkaroon ng bagong buhay. Kaiba ang mga pagkaing kinakain sa ngayon kung ihahambing sa mga pagkaing kinain dati noong unang Araw ng Pasasalamat ng 1621.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Lathalain sa USA Today na nag-uulat ng pananaliksik hinggil sa katuturan ng unang Pagpapasalamat sa San Agustin, Plorida. (Ingles)
  2. Tingnan din ang lathalain ng NYTimes noong 25 Nobyembre 2008
  3. Opisyal na websayt ng Lupon ng Turismo ng Grenada Naka-arkibo 2009-03-23 sa Wayback Machine..
  4. "Dutch town (Bayang Olandes)". The World (programa sa radyo). Nakuha noong 2008-11-28.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing na panlabas

baguhin
 
May koleksyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles tungkol sa paksa ng artikulong ito.