Arinola
Ang arinola ay isang parang hugis kaldero na karaniwang ginagamit sa pag-ihi lalo na kapag gabi.[1] Kalimitang itong nilalagay sa ilalim ng higaan. Ang isang karaniwang arinola ay mayroong hawakan.
Kalimitan nilalagyan ang mga arinola kaunting tubig bago gamitin para mabawasan ang amoy. Sa Pilipinas, lalong ginagamit ang arinola sa mga lalawigan. Ngunit ang ilan sa mga may kaya ay mayroong mga banyo sa kani-kanilang mga silid tulugan kaya't hindi na nangangailangan ng arinola.
Sa mga popular na kultura
baguhinNabanggit ang arinola sa isa sa mga produktong binebenta ni Deejay Bumbay sa isang kanta ni Michael V. Ang arinolang nabanggit ay mayroong depekto sa paggawa : ang hawakan nito ay nasa loob.
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.