Arkham Asylum
Ang Elizabeth Arkham Asylum for the Criminally Insane[1] (Asilo ni Elizabeth Arkham para sa mga Kriminal na may Sakit sa Pag-iisip), tipikal na tinatawag bilang Arkham Asylum ( /ˈɑrkəm/), ay isang kathang-isip na sikiyatriyang ospital – bilangguan na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng DC Comics, karaniwan sa mga kuwento na kinatatampukan ng superhero na si Batman. Unang lumabas ang Arkham Asylum sa Batman #258 (Okt. 1974), na sinulat ni Dennis O'Neil at guhit ni Irv Novick.
Nagsisilbi ang Arkham Asylum bilang isang sikiyatriyang ospital para sa lungsod ng Gotham, na kinukulong ang mga pasyenteng kriminal na may sakit sa pag-iisip. Kadalasan ang mga prominenteng pasyente sa Arkham ay kasapi sa tala ng mga kalaban ni Batman.
Kasaysayan
baguhinMatatgpuan sa Lungsod ng Gotham, dito dinadala ang mga may sakit sa pag-iisip na mga kalaban ni Batman bilang pasyente (ang ibang mga kalaban ay kinukulong sa Bilangguan ng Blackgate o Blackgate Penitentiary). Bagaman, marami itong naging tagapamahala, may ilang komiks ang tinanghal si Jeremiah Arkham. Nakuha ang inspirasyon sa gawa ni H. P. Lovecraft, at partikular ang mga kathang isip na lungsod ng Arkham, Massachusetts,[2][3] ipinakilala ang asilo nina Dennis O'Neil at Irv Novick at unang lumabas sa Batman #258 (Oktubre 1974); karamihan sa mga kuwento nito ay nilikha ni Len Wein noong dekada 1980.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Morrison, Grant (Oktubre 1989). Arkham Asylum: A Serious House on Serious Earth (sa wikang English). DC Comics.
- ↑ Voger, Mark; Voglesong, Kathy (2006). The Dark Age: Grim, Great & Gimmicky Post-Modern Comics (sa wikang English). TwoMorrows Publishing. p. 5. ISBN 1-893905-53-5.