Komiks
Ang komiks ay isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o walang salita, at binubuo ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba[1] ng teksto upang makaapekto ng higit sa lalim. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na kinabibilangan ang lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.
Mga sanggunian
- ↑ Teresa Grainger (2004) "Art, Narrative and Childhood" Literacy 38 (1), 66–67. doi:10.1111/j.0034-0472.2004.03801011_2.x
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.