Arko ni Constantino
Ang Arko ni Constantino (Italyano: Arco di Costantino) ay isang arko ng tagumpay sa Roma na alay sa emperador na si Constantino ang Dakila. Ang arko ay kinomisyon ng Senado ng Roma upang gunitain ang tagumpay ni Constantino laban kay Maxentius sa Labanan ng Tulay Milvio noong AD 312. Matatagpuan sa pagitan ng Koliseo at ng Burol Palatino, ang arko ay sumasaklaw sa Via triumphalis, ang ruta na kinukuha ng mga matagumpay na mga lider-military kapag sila ay pumapasok sa bayan, sa isang prusisyon ng tagumpay.[a] Inialay noong 315, ito ang pinakamalaking Romanong arko ng tagumpay, na may pangkalahatang sukat na 21 m mataas, 25.9 m ang lapad at 7.4 m malalim. Mayroon itong tatlong bahagi, ang gitnang isa ay 11.5 m mataas at 6.5 m ang lapad at ang mga nasa gilid ay 7.4 m ng 3.4 m bawat isa. Ang arko ay itinayo sa pamamagitan ng kongkretong tinapalan ng ladrilyo at kinalupkupan ng marmol.
Arko ni Constantino | |
---|---|
Lokasyon | Regio X Palatium |
Itinayo noong | AD 315 |
Itinayo ni/para kay | Constantino I |
Uri ng estruktura | Arko ng tagumpay |
Nauugnay | Talaan ng mga sinaunang monumento sa Roma |