Armida Siguion-Reyna

Si Armida Ponce-Enrile Siguion-Reyna (Nobyembre 4, 1930 – Pebrero 11, 2019) ay isang artista sa Pilipinas. Una siyang nakilala bilang mang-aawit at host sa kanyang sariling programa sa telebisyon, ang Aawitan Kita, noong maagang bahagi ng dekada 1970. Tumanyag ang kanyang awiting "Aawitan Kita".

Armida Siguion-Reyna
Tagapangulo ng Lupon sa Rebyu at Klasipikasyon ng Pelikula at Telebisyon
Nasa puwesto
Hunyo 30, 1998 – Enero 20, 2001
PanguloJoseph Estrada
Nakaraang sinundanJesus C. Sison
Sinundan niNicanor Tiongson
Personal na detalye
Isinilang
Armida Liwanag Ponce Enrile

4 Nobyembre 1930(1930-11-04)
Malabon, Rizal, Kapuluang Pilipinas
Yumao11 Pebrero 2019(2019-02-11) (edad 88)
Makati, Pilipinas

Sinubukan niya ang pelikula at dito rin ay siya nakilala bilang isa sa mga magagaling na suportang aktres at nagkamit na rin ng ilang gawad parangal sa iba't-ibang akademya. Si Siguion-Reyna ay nagtayo rin ng sariling mga kompanya ng pelikula ang Pera Films at Reyna Films.

Noong naging Pangulo ng Pilipinas si Joseph Estrada, si Siguion-Reyna ay naging tagapangulo ng Lupon sa Rebyu at Klasipikasyon ng Pelikula at Telebisyon.

Kapatid niya sa ama si Juan Ponce Enrile, isang politiko na nanungkulang senador at Pangulo ng Senado ng Pilipinas.[1]

Pelikula

baguhin

Diskograpiya

baguhin
  • "Aawitan Kita" - 1973
  • "Ano Ba" - 2005
  • "Babae" - 2005
  • "Buhay sa Ngayon" - 1976
  • "Cant Take My Eyes Off You" - 2006
  • "Di Mo Alam"
  • "For All We Know" - 2006
  • "Galawgaw" - 2005
  • "Hahabul-Habol" - 2005
  • "Kailan ko Kakamtin" - 1976
  • "Lawiswis Kawayan" - 1973
  • "Lihim na Pag-ibig" - 1976
  • "Sway" - 2006
  • "Hanggang" - 2006
  • "Hiram na Ligaya" - 2005
  • "Ikaw" - 1976
  • "Ikaw Kasi" - 2005
  • "Iyung-Iyo" - 2005
  • "Kahit Konti" - 2006
  • "Kahit Na" - 2006
  • "Kalesa" - 2005
  • "Kasalanan ba ang Umibig" - 2005
  • "Kung Ayaw Mo Na Sa Akin" - 2005
  • "Kung Batid Mo Lamang" - 1976
  • "Kung Ikaw ay Pag-ibig" - 1976
  • "Mahal na Mahal Kita" - 2005
  • "Maripos" - 1976
  • "Ngayon Pa Lang Tagumpay Na" - 2006
  • "No Money, No Honey" - 2005
  • "Night and Day" - 2006
  • "Salawahan" - 2006
  • "Sayaw sa Bangko" - 1976
  • "Smile" - 2006
  • "Sinaktan Mo Ang Puso Ko" - 2006
  • "Tagubilin at Habilin" - 2006
  • "Waray-Waray" - 2005
  • "Yesterday, I Heard The Rain" - 2006

Mga sanggunian

baguhin
  1. Salterio, Leah C. (Pebrero 11, 2019). "'She has art in her heart': Armida Siguion-Reyna dies at 88" (sa wikang Ingles). ABS-CBN News. Nakuha noong Pebrero 12, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)