Armstrongismo

(Idinirekta mula sa Armstrongista)

Ang Armstrongismo ay tumutukoy sa kalipunan ng mga pangaral at mga doktrina ng pangmakabagong panahong ebanghelistang si Herbert W. Armstrong. Nabuo ang mga kalipunang ito habang gumaganap na pinuno ng Worldwide Church of God (WCG) si Armstrong, na itinuturo ni Armstrong at ng kanyang mga tagasunod na tinaguriang mga Armstrongista (Armstrongite sa Ingles, binibigkas na /arms-tro-ngayt/) bilang "ang muling naipanumbalik na tunay na ebanghelyo ng Bibliya, na ayon kay Armstrong ay ipinahayag sa kanya habang nagsasagawa siya ng pag-aaral ng ukol sa Bibliya.[1] [2] Bagaman tumutukoy ang Armstrongismo o Armstrongite sa mga tagasunod ni Armstrong, mas ninanais ng mga taong pinangalanan ng ganito na tawagin sila bilang "mga kasapi ng "Pandaigdigang Simbahan ng Diyos" o ng "Simbahan ng Diyos". Kabilang sa mga doktrina ng Armstongismo ang nagbuhat at matatagpuan sa mga sulatin ni Armstrong, katulad at partikular na ang The Ambassador College Bible Correspondence Course, ang The Incredible Human Potential, ang The Wonderful World Tomorrow, at ang Mystery of the Ages.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Tkach, Joseph. "Transformed by Truth". pp. Chapter 7: What we Believed. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-01-30. Nakuha noong 2009-02-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Mystery of the Ages, pahina 7-30.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kristiyanismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.