Asasinasyon
Ang asasinasyon ay ang sadyang pagpatay sa isang prominente o mahalagang tao,[1] tulad ng isang puno ng estado, puno ng pamahalaan, politiko, kasapi ng pamilyang may dugong bughaw, o Punong Opisyal ng Ehekutibo (ng isang kompanya). Maaring maudyukan ang isang asasinasyon ng mga motibong pampolitika o militar, o sinagawa para magkaroon ng kuwarta, upang maghiganti ang isang hinaing, mag sikat o tanyag sa masamang paraan, o dahil sa isang utos na kailangang gawin ng pangkat militar, seguridad, o siktretong pulis. Naisagawa na ang mga gawaing asasinasyon noong pang sinaunang panahon. Tinatawag na asesino o hitman ang nagsasagawa ng asasinasyon.
Kahulugan sa mga diksyunaryo
baguhinTinatawag ang asasinasyon sa wikang Ingles bilang assassination na ayon sa The American Heritage Dictionary[2] ay ang "pagpaslang o sinadyang pagpatay (karaniwan na ng isang mahalagang tao) sa pamamagitan ng isang biglaan at/o palihim na pag-atake, karaniwang para sa mga dahilan pampolitika. Kabilang sa mga kahulugan ng asasinasyon ang mga sumusunod (ang karamihan sa mga kahulugan ay isinalin mula sa Ingles na mga pananalita):
- Ayon sa Gabby's Dictionary, isa itong "pataksil na pagpatay sa importanteng tao".[3]
- Collins English Dictionary: "pagpaslang sa (isang tao, partikular na ang isang pigurang publiko o pampolitika), karaniwang sa pamamagitan ng biglaang paglusob."[4]
- Webster's New World College Dictionary: "pagpaslang (lalo na isa taong mahalaga sa politika o tanyag) sa pamamagitan ng nakagugulat na pag-atake, karaniwang para sa salapi o mula sa masugid na paniniwala".[5]
- Concise Oxford English Dictionary 2008: assassinate-"pagpatay sa (isang pinuno sa politika at relihiyon)."[6]
- Oxford English Dictionary: "Ang aksiyon ng pagpaslang; ang pagbawi ng buhay ng sinuman sa pamamagitan ng mapagkanulong karahasan, partikular na sa pamamagitan ng isang binayarang emisaryo o sugo, o isang tao na umako ng gawaing ito upang maisagawa ang pagpaslang."
- Merriam-Webster Dictionary:
- "ang pagsalanta o pagwasak na hindi inaasahan o mapagkanulo";
- ang sadyang pagpatay (ng isang taong prominente) sa pamamagitan ng biglaan o palihim na paglusob na kadalasang para sa mga dahilang pampolitika[7]
- Black's Law Dictionary: "ang gawain ng sinasadyang pagpatay sa isang tao partikular na ng isang pigurang pampubliko, na karaniwang binayaran o para sa mga kadahilanang pampolitika".[8][9] Bilang pamalit, ang asasinasyon ay maaaring bigyang kahulugan bilang "ang gawain ng sadyang pagpatay sa isang tao, natatangi na ang isang taong pampubliko, na karaniwang binayaran o para sa mga kadahilanang pampolitika."
Ang asasinasyon ay maaaring inuudyok ng mga motibong panrelihiyon, pang-ideolohiya, pampolitika, o pangmilitar; maaari itong isagawa para sa pananaw na may pagkamal ng salapi o pagpatay na may kontrata, upang maipaghiganti ang isang hinaing, mula sa isang pagnanais upang makakuha ng katanyagan o kabantugan iyung isang pangangailangang sikolohikal upang magkamit ng pagkilalang pansarili at pampubliko, mula sa isang kahilingan makabuo ng isang uri ng "ugnayan" sa isang pigurang pampubliko, o mula sa kagustuhang mapatay o magsagawa ng pagpapatiwakal o pagpapakamatay dahil sa ginawang asasinasyon.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Black's Law Dictionary "the act of deliberately killing someone especially a public figure, usually for money or for political reasons" (Legal Research, Analysis and Writing ni William H. Putman p. 215 at Assassination Policy Under International Law Naka-arkibo 2010-12-06 sa Wayback Machine., Harvard International Review, Mayo 6, 2006, ni Kristen Eichensehr).
- ↑ Thefreedictionary.com Assassination
- ↑ Assassination, asasinasyon Naka-arkibo 2011-07-11 sa Wayback Machine., gabbydictionary.com
- ↑ Thefreedictionary.com
- ↑ Yourdictionary.com
- ↑ Wordreference.com,
- ↑ assassination
- ↑ Putnam, William H., Legal Research, Analysis and Writing pahina 215 at Eichensehr, Kristen, Assassination Policy Under International Law Naka-arkibo 2010-12-06 sa Wayback Machine., Harvard International Review, 6 Mayo 2006.
- ↑ "assassinate (kill)". Memidex/WordNet Dictionary/Thesaurus. Nakuha noong 2011-03-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)