Aspalto

(Idinirekta mula sa Asphalt)

Ang aspalto, aspalton, o alkitran (Ingles: asphalt para sa aspalto, tar at pitch para sa alkitran) ay malagkit, itim, at malapot na likido o medyo-solido na mayroon ang karamihang mga petrolyo at ilang mga likas na deposito. Karaniwang ginagamit ito na panambak sa kalsada.[1] Ngunit maaaring partikular na tumukoy din ang alkitran sa maitim, malapot at madikit na sustansiyang nagmumula sa mga uling at kahoy. Halimbawang gamit ng alkitran ang pagpapahid nito sa ilalim ng mga kotse at pagpipinta sa kahoy.[2] Hinango ang salita mula sa sinaunang Griyego na ἄσφαλτος ásphaltos, na tumutukoy sa likas na aspalto o alkitran. Matatagpuan ang pinakamalaking deposito ng likas aspalto sa mundo sa Lawa ng Pitch ng timog-kanluran ng Trinidad, na tinatayang naglalaman ng 10 milyong tonelada.[3]

Ibabang patong ng konkretong aspalto sa kalyeng nasa ilalim ng paggawa.

Bawat taon, ang 70% ng produksyon ng aspalto ay napupunta sa paggawa ng mga kalasada at daanan.[4] Sa aplikasyon ng aspalto upang gamitin sa mga daan, ginagamit ito upang pagsama-samahin ang pinagsama-samang partikula tulad ng graba at mga anyo ng sustansya na tinutukoy bilang kongkretong aspalto, na kolokyal na tinatawag na aspalton. Ang ibang pangunahing gamit ay sa mga produktong bituminous waterproofing (o aspalto para iwasan ang pagpasok ng tubig), tulad pyeltro sa pagbububong at panakip-butas sa bubong.[5]

Kasaysayan

baguhin

Ang paggamit ng likas na aspalto para sa pag-iwas na mapasukan ng tubig ang isang materyal at bilang isang pandikit ay mapepetsahan na hindi bababa sa ikalimang milenyo BC, na may sisidlang imbakan ng mga ani ang natuklasan sa Mehrgarh, ng Kabihasnan ng Lambak ng Indo, na nakalinya kasama nito.[6] Sa pagdating ng ikatlong mileyo BC, ginamit sa rehiyong ito ang pinong aspaltong bato, at ginamit sa Gran Banyos sa Mohenjo-daro para maiwasan ang pagpasok ng tubig.[7]

Ekonomika

baguhin

Bagaman tipikal na binubuo ng 4 hanggang 5 bahagdan lamang (ng bigat) ng aspalto ang halo para sa palitada, bilang pambigkis ng palitada, ito ang pinakamahal na bahagi ng gastos ng pagpapalitdang materyal ng kalsada.[8]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Asphalt, aspalto(n), alkitran - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. English, Leo James (1977). "Aspalto, alkitran, aspaltado". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 31 at 82.
  3. Oishimaya Sen Nag (17 Pebrero 2021). "The unique pitch lakes of the world". WorldAtlas (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Marso 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Asphalt Applications". www.mineralproducts.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-01-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Sörensen, Anja; Wichert, Bodo (2009). "Asphalt and Bitumen". Ullmann's Encyclopedia of Industrial Chemistry (sa wikang Ingles). Weinheim: Wiley-VCH. doi:10.1002/14356007.a03_169.pub2.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. McIntosh, Jane. The Ancient Indus Valley. p. 57 (sa Ingles)
  7. "Great Bath". Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-10-26.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Arnold, Terence S. "What's in Your Asphalt?," Setyembre 2017 (huling binago 25 Oktubre 2017), Public Roads, FHWA-HRT-17-006.htm," Office of Research, Development, and Technology, Office of Corporate Research, Technology, and Innovation Management, Federal Highway Administration, U.S. Department of Transportation (sa Ingles)