Astra Planeti
Ang Astra Planeti (Αστρα Πλανετοι), ayon sa mitolohiyang Griyego, ay ang mga diyos ng limang palibut-libot na mga bituin o mga planeta. Kasama sa mga ito sina:
- Stilbon (Στιλβών), ang diyos ng Hermaon, ang planeta Merkuryo
- Eosphorus (Ηωσφόρος), ang diyos ng Benus, ang pang-umagang bituin
- Hesperus (Ἓσπερος), ang diyos ng Benus, ang panggabing bituin
- Pyroeis (Πυρόεις), ang diyos ng Areios, ang planetang Marte
- Phaethon (Φαέθων), ang diyos ng Dios, ang planetang Hupiter
- Phaenon (Φαίνων), ang diyos ng Kronion, ang planetang Saturno