Para sa ibang gamit, tingnan ang Marte (paglilinaw).

Ang Marte (sagisag: ♂) ay ang ikaapat na planeta mula sa Araw sa ating Sistemang Solar. Ipinangalan ito sa Romanong diyos ng digmaan (Ares sa Mitolohiyang Griyego). Kilala din ang Marte bilang "Ang Pulang Planeta" hinggil sa mamulang anyo nito kapag nakikita mula sa Lupà sa gabi. May dalawang buwan ang Marte, ang Phobos at Deimos, na maliliit at kakaiba ang hugis at posibleng nakuhang mga asteroyd katulad ng 5261 Eureka. Makikita ang Marte mula sa Tiyera sa pamamagitan ng hubad na mata (naked eye) na may kaliwanagan ng −2.94 hanggang +1.86 magnitud, nilalagpasan lamang ng Venus, Buwan, at Araw.

Tumutukoy ang unlaping areo- sa Marte katulad sa pagtukoy ng geo- sa Tiyera—halimbawa, ang areolohiya laban sa heolohiya. Ginagamit din ang areolohiya (areology) bilang pangtukoy sa pag-aaral sa Marte sa isang kabuuan sa halip sa mga prosesong heolohikal ng planeta. (Sa salitang Griyego, Arēs ay Marte.) Ang simbolong astronomikal ng Marte ay ♂, isang bilog na may palasong tumuro sa hilaga-silangan. Kinakatawan ng simbolong ito ang kalasag at sibat ng diyos na Marte, at sa biyolohiya, ginagamit ito bilang tanda para sa kasariang lalaki.

Tumutukoy sa Intsik, Hapon, Koreano, at Byetnames na mga kultura ang planeta bilang 火星, or bituwing apoy, isang pagpapangalan na nakabatay sa lumang mitolohikal na Intsik ng sirkulo ng Limang Elemento.

0.3794 g ang grabidad sa surpasyo ng Marte. Mas magaan kung may tao roon. Ang radius ay 3389.5 ± 0.2 km, mga kalahati ng Tiyera. Ang surpasyong kalawakan ay 144 798 500 km2, mga kapareho ng Tiyera sa lupaan (hindi tubigan).

Ang mga suklob na yelong polar sa Marte ay may ilang metrong yelo ng karbon dioksido sa ibabaw ng yelong tubig. Kung tunawin ang suklob na yelong polar sa timog ng Marte, mababaha ang buong surpasyo ng planeta nang mga 11 metrong kailalimang tubig.

Ang Marte ay nasa guni-guni ng maraming tao. Tema itong bagay ng maraming piksiyong espekulatibo bilang ang prangkisang Barsoom (1912-1948) ni Edgar Rice Burroughs, ang nobelang The Lost Race of Mars (1960) ni Robert Silverberg, ang nobelang Red Planet (1949) ni Robert Heinlein, ang Hapong animeng Carole & Tuesday (キャロル&チューズデイ) (2019) ng estudyo Bones, ang pelikulang The Last Days on Mars (2013) ni direktor Ruairí Robinson, at ang librong trilohiya ni Kim Stanley Robinson: Red Mars (1992), Green Mars (1993), at Blue Mars (1996).

Misyon sa Marte

baguhin

Ang SpaceX Mars Program na pinagmulan ni multibilyonaryong Elon Musk at ng SpaceX ay pangmatagalang programa upang mapadali ang tuluyang kolonisasyon ng Marte.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.