Butong talus

(Idinirekta mula sa Astragalus)

Ang butong talus, astragalo, o astragalus (Ingles: astragalus, Kastila: astragalo) ay ang malaki at mahalagang buto sa bukung-bukong ng paa na naglilipat ng bigat o timbang ng katawan mula sa buto ng lulod patungo sa buto ng sakong. Pumapasok ito sa talatag o pagkakahili-hilera (pormasyon) ng kasukasuan ng bukung-bukong, at nakahugpong ang pangharap na kapatagan nito sa pangharap na bahagi ng paa. Hugis bilog na parang bola ang pangharap na kapatagang ito, at tinatawag na ulo ng astragalus, at ito ang nagsisilbing kunyas ng pangharap at panlikod na balukay o arko ng paa. Madaling maalis sa kinalalagyan nito ang butong talus dahil sa paggamit ng sapatos na may matataas na takong.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Robinson, Victor, pat. (1939). "Astragalus". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 60.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.