Atomikong masa

(Idinirekta mula sa Atomic mass)

Ang masang atomiko o masang pang-atomo (na hindi dapat ikalito o ipagkamali sa timbang na atomiko; ang timbang na atomiko ay nakikilala rin bilang relatibong masang atomiko), may sagisag na ma, ay isang kataga para sa masa (tumpok o kimpal) ng isang nag-iisang atomo ng isang elementong pangkimika. Kabilang dito ang mga timbang o bigat ng 3 mga partikulong subatomiko na bumubuo sa isang atomo: ang mga proton, mga elektron, at mga neutron. Dahil sa napakagaan ng elektron, ang masang atomiko ay kadalasang ipinapahayag bilang ang kabuuang bilang ng mga proton at ng mga neutron na nasa loob ng isang atomo. Kung kaya't bilang halimbawa: ang Karbono-14 ay mayroong 14 na mga partikulo na maaaring maging mga proton o kaya ay mga neutron at ang masa ay makukuha magmula sa kanilang karga. Ang masang atomiko ay tinatawag din bilang kimpal na pang-atomo o tumpok na pang-atomo.

Sa ibang pagpapakahulugan, ang masang atomiko ay ang masa ng isang tiyak o partikular na isotopo, na pinakamadalas na ipinapahayag na nasa mga yunit ng pinag-isang masang atomiko (na nakikilala sa Ingles bilang mga unified atomic mass unit.[1] Kaya't ang masang atomiko ay kabuuang masa ng mga proton, mga neutron at mga elektron na nasa loob ng iisang atomo.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. IUPAC, Compendium of Chemical Terminology, Ika-2 ed. (ang "Gold Book") (1997). Naitamang online na bersyon: (2006–) "atomic mass". doi:10.1351/goldbook.A00496
  2. Atomic mass, Encyclopædia Britannica on-line

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.