Isotope
Ang isotope[1] (bigkas /áy·so·tówp/; Kastila: isotopo) ay dalawa o mahigit pang atomo ng iisang elemento na may parehong atomikong bilang ngunit may magkakaibang bilang ng masa. Magkakatulad ang bilang ng kanilang proton at elektron. Gayumpaman, ang kanilang neutron ay magkakaiba. Halimbawa: ang Carbon-12, Carbon-13 at Carbon-14 ay pare-parehong isotope ng Carbon, pare-parehong may numerong atomikong 6, gayumpaman iba-iba ang kanilang bilang ng masa sapagkat ang kanilang mga neutron ay iba-iba ang bilang. Anim sa Carbon-12, pito sa Carbon-13 samantalang walo naman sa Carbon-14. Nanggaling ang salitang isotope, nangangahulugang sa kaparehong lugar, mula sa katotohanan na matatagpuan ang mga isotope sa kaparehong lugar sa talaang peryodiko. Ang mga katangiang kemikal ng iba't ibang mga isotope ng isang elemento ay magkatulad ngunit ang mga ito ay kadalasang may malaking mga pagkakaiba sa pagiging matatag ng nukleyus. Para sa mga matatag na mga isotope ng mga magaan na elemento, ang bilang ng mga neutron ay halos magkatumbas sa bilang ng mga proton ngunit ang isang lumalaking kahigitan ng neutron ay katangian ng mga matatag na mga mabigat na elemento.
Sanggunian
baguhinAng lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.