Atrophic vaginitis

Ang atrophic vaginitis - literal na pamamaga at pagnipis ng puki - na nakikilala rin bilang vaginal atrophy o urogenital atrophy, ay ang pagnipis ng mga dingding ng puki habang nasa yugtong klimakteriko (climacteric).[1] Isa itong implamasyon o pamamaga ng puki at ng panlabas na lagusan ng ihi dahil sa pagnipis at pag-urong ng mga tisyu, pati na pagbaba ng antas ng lubrikasyon (pagiging madulas). Ang mga sintomas na ito ay dahil sa kakulangan ng estrogen, isang hormone na pangreproduksiyon. Ang pinaka karaniwang dahilan ng pagnipis ng puki ay ang pagkabawas ng antas ng estrogen na likas na nagaganap habang nasa yugto na kung tawagin ay perimenopause, at nagiging mas matindi sa yugto na kung tawagin ay post-menopause (pagkatapos ng layag). Subalit ang kalagayang ito ay maaaring dahil sa ibang mga sirkumstansiya kung minsan. Ang mga sintomas ay maaaring kabilangan ng makirot at makating puki, pati na paghapdi kapag nakikipagtalik, at pagdurugo pagkaraan ng pakikipagtalik. Ang pag-urong ng mga tisyu ay maaaring malubha upang maging imposible ang pakikipagtalik.

Atrophic vaginitis
EspesyalidadHinekolohiya Edit this on Wikidata

Mga sanggunian

baguhin
  1. Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 570.