Ang klimakteriko (Ingles: climacteric) ay ang proseso ng pagtanda o pagkakaedad ng sistemang reproduktibo ng mga babae na nagaganap humigit-kumulang sa pagitan ng edad na 45 at 60. Ginagamit din ang kataga sa pagtukoy sa pagtanda ng sistemang reproduktibo ng mga lalaki. Sa kasalukuyang gawain, ang klimakteriko ay pinaka madalas na isang singkahulugan ng menopause sa mga babae. Sa basedatong Wordnet ng Pamantasan ng Princeton na nasa internet, ang climacteric ay nakalista bilang:[1] pangngalan na ang kahulugan ay isang yugto sa buhay ng lalaki na katugma ng menopause ng babae; at isang pangngalan na ang kahulugan ay menopause, pagbabago ng buhay, ang panahon sa isang buhay ng babae kung kailan nagwawakas ang siklo ng pagreregla. Ang kataga ay ginagamit ng International Menopause Society, na naglalarawan sa sarili nito bilang isang kapisanan para sa pag-aaral ng lahat ng mga aspeto ng menopause sa tao.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "WordNet Search - 3.0". Inarkibo mula sa orihinal noong 2005-09-17. Nakuha noong 2007-12-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing na panlabas

baguhin