Sistemang pampag-anak ng lalaking tao
- Tungkol ito sa sistemang pampag-anak ng lalaking tao. Para sa mga sistemang pampag-anak ng lalaki para sa ibang mga organismo, pumunta sa Reproduksiyong seksuwal.
Ang sistemang pampag-anak ng lalaking tao (o sistemang panghenitalya ng lalaking tao) ay binubuo ng isang bilang ng mga organong pangkasarian na bahagi ng proseso ng pagpaparami ng tao. Sa ganitong uri ng sistemang reproduktibo, ang mga organong seksuwal na ito ay nakalagay sa labas ng katawan, sa paligid ng rehiyon ng sipit-sipitan, ang buto ng baywang at ng balakang.
Sistemang pampag-anak ng lalaking tao | |
---|---|
Mga detalye | |
Latin | systema genitale masculinum. |
Mga pagkakakilanlan | |
TA | A09.0.00.002 |
FMA | 45664 |
Ang pangunahing pang-anatomiyang mga organong pampagtatalik ng lalaki ay ang titi at ang bayag na lumilikha ng semilya at ng esperma, na bilang kabahagi ng pagtatalik (interkursong seksuwal) ay nagpapabunga o nagpepertilisa ng isang itlog ng babae sa isang pang-anatomiyang katawan ng babaeng tao, at ang napertilisahang obum (itlog ng babae) na tinatawag nang sigota ay unti-unting umuunlad upang maging isang namumuong sanggol, na pagdaka ay iluluwal bilang isang ganap na sanggol.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.