Sistemang reproduktibo

(Idinirekta mula sa Pagpaparami ng tao)
Ang artikulong ito hinggil sa reproduksiyong seksuwal. Para sa reproduksiyong hindi seksuwal, tingnan ang Reproduksiyong aseksuwal.

Ang sistemang reproduktibo, sistemang pampag-anak, sistemang panuplingan, o sistemang pasuplingan ay isang katipunan at ugnayan ng mga organo at/o sustansiya sa loob ng isang organismo na tumutukoy sa reproduksiyon[1] o pagpaparami[1] ng isang espesye. Bilang halimbawa, kinabibilangan ito, sa kaso ng mga kababaihang mamalya, ng hormong estrohen, itlog, sinapupunan, puke, at mga suso. Kabilang rin dito ang mga gameto. Tinatawag din ito bilang sistemang henital, sistema ng ari, sistemang pang-ari, o sistemang panghenitalya, ang sistemang ito ay nagtutulung-tulong sa pagsasagawa ng kanilang mga gawain o tungkulin para sa layunin ng pagpaparami ng lahi. Maraming mga sustansiyang walang buhay na katulad ng mga pluwido, mga hormon, at peromon ay mahalaga ring mga dagdag na gamit o aksesoryo sa sistemang reproduktibo.[2] Hindi tulad ng mga sistema ng organo, ang mga kasarian ng mga espesyeng magkakaiba ay kadalasang may makabuluhang mga pagkakaiba. Ang mga pagkakaibang ito ay nagpapahintulot para sa pagsasama o kumbinasyon ng mga materyal na panghenetika sa pagitan ng dalawang mga indibiduwal, na nagpapahintulot para sa pagiging maaari ng mas mainam na panghenetikang kaangkupan ng supling.[3]

Sistemang reproduktibo ng lalaking tao.
Sistemang reproduktibo ng babaeng tao.
Ang anatomiya ng mga suso ng babaeng tao: 1. dinding ng dibdib, 2. masel na pektoralis, 3. mga lobyul, 4. utong, 5. aryola, 6. daanang laktipero (daanan ng gatas), 7. tisyu ng taba, at 8. balat.

Ang pangunahing mga organo ng sistemang reproduktibo ay kinabibilang ng panlabas na mga henitalya (ang titi at ang bulba), pati na ang ilang bilang ng panloob na mga organong kinabibilangan ng mga gonad (ang itlog ng bayag at ang mga obaryo) na lumilikha ng mga gameto. Ang mga karamdaman ng sistemang reproduktibo ng tao ay napaka pangkaraniwan at malaganap, partikular na ang nakakahawang mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik.[4]

Karamihan sa iba pang mga hayop na naguguluguran (bertebrado) ay mayroong pangkalahatang kahalintulad na sistemang pangreproduksiyon na binubuo ng mga gonad, mga tubong maliliit (mga dukto), at mga bukana o mga butas. Subalit, mayroong malaking pagkakasari-sari ng mga adaptasyong pangkatawan, pati na mga estratehiyang pangreproduksiyon sa bawat pangkat ng mga bertebrado.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Reproduksiyon, pagpaparami, pag-aanak". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Introduction to the Reproductive System. Naka-arkibo 2007-10-24 sa Wayback Machine. , Epidemiology and End Results (SEER) Program.
  3. Reproductive System 2001 Naka-arkibo 2006-10-22 sa Wayback Machine. Body Guide powered by Adam
  4. STD's Today Naka-arkibo 2014-10-25 sa Wayback Machine., National Prevention Network, Sentro para sa Pagkontrol ng Karamdaman, Pamahalaan ng Estados Unidos, nakuha noong 2007.