Taba
Sa nutrisyon, biyolohiya, at kimika, tumutukoy ang taba sa anumang ester ng asidong magrasa, o anumang halo ng naturang kompuwesto, karaniwan ang mga matatagpuan sa maybuhay o sa pagkain.[1]
Partikular na tumutukoy ang salita sa mga trigliserido (tatluhing ester ng gliserol) na pangunahing sangkap ng langis sa mga halaman at tisyung magrasa sa mga hayop;[2] o, mas tiyak pa, sa mga trigliserido na solido o semisolido sa temperatura ng silid, kaya hindi kasama ang langis.
Ang taba ay isa sa mga tatlong pangunahing pangkat ng makrosustansiya sa diyetang pantao, kasama ng karbohidrata at protina,[1][3] at pangunahing sangkap ng mga karaniwang produktong pagkain gaya ng gatas, mantikilya at mantika. Isa itong pangunahin at saganang mapagkukunan ng enerhiya para sa maraming hayop at may mahalagang papel sa mga istraktura at metabolismo ng karamihan ng maybuhay, kabilang dito ang pag-iimbak ng enerhiya, pagkokontra-tubig, at insulasyong termal.[4] Nakakagawa ang katawan ng tao ng kinakailangang taba sa mga ibang pagkain, maliban sa iilang mahahalagang asidong magrasa na dapat isama sa diyeta. Tagapagdala rin ang mga tabang pandiyeta ng ilang sangkap na nagbibigay-lasa at amoy at ng mga bitamina na hindi natutunaw sa tubig.[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Entry for "fat" [Entrada para sa "taba"] (sa wikang Ingles). "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-07-25. Nakuha noong 2023-08-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) sa online Merriam-Webster dictionary, sense 3.2. Nakuha noong 2020-08-09 - ↑ 2.0 2.1 Thomas A. B. Sanders (2016): "The Role of Fats in Human Diet" [Ang Papel ng Taba sa Diyeta ng Tao] (sa wikang Ingles). Mga pa. 1-20 ng Functional Dietary Lipids. Woodhead/Elsevier, 332 pages. ISBN 978-1-78242-247-1doi:10.1016/B978-1-78242-247-1.00001-6
- ↑ "Macronutrients: the Importance of Carbohydrate, Protein, and Fat" [Makrosustansiya: ang Kahalagahan ng Karbohidrata, Protina, at Taba]. McKinley Health Center (sa wikang Ingles). University of Illinois at Urbana–Champaign. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Setyembre 2014. Nakuha noong 20 Setyembre 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Introduction to Energy Storage" [Panimula sa Pag-iimbak ng Enerhiya] (sa wikang Ingles). Khan Academy.