Ang carbohydrate ay isang organikong compound na may empirikal na pormulang Cm(H2O)n (kung saan ang m ay maaaring iba mula sa n). Ito ay nangangahulugang ito ay binubuo ng carbon, hydrogen at oxygen na may hydrogen:oxygen atomong rasyo na 2:1 gaya ng sa tubig. Gayunpaman, may mga ilang eksepsiyon dito. Ang isang karaniwang halimbawa ay deoxyribose na isang sangkap ng DNA na may empirikal na pormulang C5H10O4. Ang mga carbohydrate ay maaaring makita bilang mga hydrate ng carbon kaya ito ang pangalan nito. Gayunpaman, sa istraktura nito, mas wastong makita ang mga ito bilang mga polyhydroxy aldehyde at ketone.

Ang terminong ito ay pinakaramiwan sa biokemistri kung saan ito ay sinonimo ng saccharide. Ang mga carbohydrate o saccharide ay nahahati sa apat na mga kemikal na pagpapangkat: monosaccharide, disaccharide, oligosaccharide, at polysaccharide. Sa pangkalahatan, ang mga monosaccharides at disaccharide na mga mas maliit(may mas mababang timbang na molekular) na carbohydrate ay karaniwang tinutukoy na mga asukal.[1] Ang salitang saccharide ay nagmula sa Griyegong σάκχαρον (sákkharon), na nangangahulugang asukal. Bagaman ang siyentipikong nomenklatura ng mga carbohydrate ay komplikado, ang mga pangalan ng mga monosaccharides at disaccharides ay karaniwang nagwawakas sa hulaping(suffix) -ose. Halimbawa, ang asukal ng dugo ang monosaccharide glucose, ang asukal na panghapagkainan ang disaccharide sucrose at ang asukal ng gatas ang disaccharide lactose .

Ang mga carbohydrate ay nagsasagawa ng maraming mga tungkulin sa mga buhay na bagay. Ang mga polysaccharides ay nagsisilbi para sa pag-iimbak ng enerhiya(e.g., starch at glycogen) at bilang istaktural na bahagi(e.g., mga cellulose sa mga halaman at chitin sa mga arthropod). Ang 5-carbon monosaccharide ribose ay isang mahalagang sangkap ng mga coenzyme(e.g., ATP, FAD, at NAD) at likurangbuto ng henetikong molekula na tinatawag na RNA. Ang kaugnay na deoxyribose ang kasangkapan ng DNA. Ang mga saccharide at ang mga hinango dito ay kinabibilangan ng maraming mga ibang mahalagang biomolekula na gumagampan ng mahahalagang mga papel sa sistemang immune, pertilisasyon, pagpigil ng patohenesis, pamumuo ng dugo at pag-unlad.

Sa agham pangpagkain, ang terminong carbohydrate ay karaniwang nangangahulugang anumang mga pagkain na partikular na mayaman sa komplikadong almirol(starch) na carbohydrate gaya ng cereal, tinapay at pasta o mga simpleng carbohydrate gaya ng asukal na natatagpuan sa mga jam, kendi at mga panghimagas.

Sanggunian

baguhin
  1. Flitsch, SL & Ulijn, RV (2003). "Sugars tied to the spot." Nature 421: 219–220.