Abogado

(Idinirekta mula sa Attorney)

Ang abogado[1], manananggol o tagapagsanggalang[2] (sa Ingles ay lawyer, attorney o defender) ay isang taong pinagkalooban ng lisensiya upang makapagbigay ng payong legal, at para kumatawan sa isang kliyente sa loob ng hukuman o korte.[3] Isa itong taong maalam at nag-aral ng batas, kinatawan o taong kumakatawan sa batas (attorney at law sa Ingles), tagapagtanggol o tagapayo (konseho), o solisitor (punong opisyal na pambatas), at isang taong may lisensiya upang magkasakatuparan ng batas.[4] Ang batas ay isang sistema ng mga panuntunan ng kaasalang inilunsdad ng namumunong pamahalaan ng isang lipunan upang magwasto ng mga kamalian, magpanatili ng katatagan, at magdala ng katarungan. Kasama sa hanapbuhay ng pagiging isang manananggol ang kapaki-pakinabang na paggamit at pagpapairal ng abstraktong (baliwag o basal) mga teoriyang legal at kaalaman upang matugunan ang isang tinutukoy na mga suliraning pang-isang tao, o pasulungin ang mga kanaisan ng nagpapanatili o umuupa ng mga abogado upang magsakatuparan ng mga tungkulin o serbisyong pambatas o nasa batas.

Larawan ng isang sinaunang manananggol na hinihingan ng payong tulong-pambatas ng isang lalaki.

Sa ilang partikular na mga bansa, katulad ng sa Hapon, Sri Lanka, at sa Estados Unidos, opisyal na pangalan, katawagan, o pamagat sa wikang Ingles para sa isang manananggol ang attorney at law o attorney-at-law, na karaniwang pinaiiksi bilang attorney. Sa Inglatera at sa Gales, dating ginamit din ang ganitong katawagan para sa mga manananggol na nagsasagawa ng hukumang na para sa pangkaraniwang batas. Subalit noong 1873, binigyan ng bagong pamagat ang ganitong mga abogado bilang mga solisitor, isang pamagat na palagian nang pamagat para sa mga manananggol na may gampanin sa mga hukuman ng ekwidad o makatarungang karapatan at paghahabol. Pangkalahatang hindi talaga lumilitaw ang ganitong mga tagapagtanggol bilang kakatig (tagapamagitan, tagapagtaguyod, tagapagtanggol, o tagapagsulong) sa matataas na mga hukuman, sapagkat ang ganitong pagharap ay nakalaan, kahit pangkalahatang magpahanggang sa ngayon, para sa mga baristero.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Lawyer, manananggol, abogado - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Lawyer, abogado, tagapagsanggalang". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Lawyer Naka-arkibo 2012-11-09 sa Wayback Machine.
  3. "Lawyer". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 69.
  4. Henry Campbell Black, Black's Law Dictionary, ika-5 edisyon, (St. Paul: West Publishing Co., 1979), 799.


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Batas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.