Ang auditing ay tumutukoy sa isang sistematiko at hiwalay na pagsusuri ng mga libro, dokumento at voucher ng isang organisasyon upang malaman kung hanggang saan maglalahad ng katotohanan at pantay na pagtingin sa mga nasasaklaw. Ginagamit rin ito upang tiyakin na ang mga libro ng mga account ay maayos na napapanatili katulad ng isinasaad sa batas. Ang auditing ay naging malawakan sa pangpribado at sa pampublikong sektor na naging sanhi upang kilalanin ang Audit Society ng mga akademiko.[1] Ang auditor ang nakaaalam at nakapapansin ng mga proposisyon para sa pagsusuri, pagkuha ng ebidensya, at pagbuo ng opinyon na base sa kanyang palagay na naipapahayag sa kanyang ulat ng audit.[2]

Ilang tipikal na hakbang sa proseso ng audit na nakasulat sa Ingles

Alinmang paksa ay maaaring mai-audit. Ang mga na-audit ay nagbibigay ng kasiguruhan ng ikatlong partido sa iba’t ibang stakeholder na ang paksa ay walang maling deklarasyon ng materyal. Ang salitang ito ay kadalasang ginagamit sa pag-audit ng mga impormasyong pinansyal na may kaugnayan sa isang legal na indibiduwal. Ang ibang aspektong kadalasang ini-audit ay: panloob na pagpigil, pamamahala ng kalidad, pamamahala ng mga proyekto, pangangasiwa ng tubig at pagtitipid ng enerhiya.

Bilang resulta ng audit, ang mga stakeholder ay maaaring epektibong makapagsusuri at makapagpapayos ng bisa ng pamamahala ng panganib, kontrol, at proseso ng pamumuno sa paksa.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Power, Michael. 1999. The Audit Society: Rituals of Verification. Oxford: Oxford University Press.
  2. "Audit assurance". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-07-01. Nakuha noong 2015-08-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)