August Heisenberg
Si August Heisenberg (ipinanganak noong Nobyembre 13, 1869 sa Osnabrück - † namatay noong Nobyembre 22, 1930 sa Munich) ay isang Bisantinistang Aleman.
Nag-aral si Heisenberg ng pilolohiyang klasikal sa Marburg, sa Leipzig at Munich. Habang nag-aaral sa Marburg, sa semestre ng tag-araw noong 1888 at noong semestre ng taglamig ng 1891-1892, naging kasapi siya sa praternidad (kapatiran) ngayon ay nakikilala bilang kapatiran ng mga lalaki na Marburger.[1] Nagtapos siya ng pag-aaral sa Munich noong 1884. Mula 1898 hanggang 1899, naglakbay siya sa Italya at Gresya. Noong 1901, ang kaniyang habilitasyon (paglalapat) ay para sa Sentral at Modernong Pilolohiyang Griyego sa Würzburg, kung saan siya ay nagturo bilang isang honoraryong propesor mula 1908. Noong 1910, pagkaraan ng kamatayan ni Karl Krumbacher, si Heisenberg ay isang propesor sa Munich ng paksang Bisantina.
Si August Heisenberg ay ang ama ng pisikong si Werner Heisenberg at ng kimikong si Erwin Heisenberg.