Si Werner Heisenberg[1] (5 Disyembre, 1901 sa Würzburg – 1 Pebrero, 1976 sa Munich) ay isang Alemang pisikong teoretikal na gumawa ng mga pangunahing ambag sa mekaniks na kwantum at kilala sa kanyang asersiyon ng prinsipyo ng walang katiyakan ng teoriya ng kwantum. Sa karagdagan, siya ay gumawa din mga mahahalagang ambag sa pisikang nukleyar, teoriyang kwantum na larangan at pisika ng partikulo.

Werner Heisenberg
Kapanganakan
Werner Karl Heisenberg

5 Disyembre 1901(1901-12-05)
Kamatayan1 Pebrero 1976(1976-02-01) (edad 74)
NasyonalidadAleman
NagtaposPamantasan ng Munich
Kilala saPrinsipyo ng Pag-aalinlangan
mikroskopyo ni Heisenberg
mekaniks ng matris
pormulang Kramers-Heisenberg
pangkat na Heisenberg
Isospin
AsawaElisabeth Schumacher (1937-1976)
ParangalGantimpalang Nobel sa Pisika (1932)
Medalyang Max Planck (1933)
Karera sa agham
LaranganPisika
InstitusyonPamantasan ng Göttingen
Pamantasan ng Copenhagen
Pamantasan ng Leipzig
Pamantasan ng Berlin
Pamantasan ng Munich
Doctoral advisorArnold Sommerfeld
Academic advisorsNiels Bohr
Max Born
Doctoral studentFelix Bloch
Edward Teller
Rudolph E. Peierls
Reinhard Oehme
Friedwardt Winterberg
Peter Mittelstaedt
Şerban Ţiţeica
Ivan Supek
Erich Bagge
Hermann Arthur Jahn
Raziuddin Siddiqui
Heimo Dolch
Hans Heinrich Euler
Edwin Gora
Bernhard Kockel
Arnold Siegert
Wang Foh-san
Bantog na estudyanteWilliam Vermillion Houston
Guido Beck
Ugo Fano
NaimpluwensiyahanRobert Döpel
Carl Friedrich von Weizsäcker
Pirma
Talababa
Siya ang ama ng neurobiyologong si Martin Heisenberg at ang anak na lalaki ni August Heisenberg

Si Heisenberg kasama si Max Born at Pascual Jordan ang naglatag ng pormulasyong matriks ng kwantum mekaniks noong 1925. Siya ay naparangalan ng Gantimpalang Nobel noong 1932 sa kanyang pagkakalikha ng kwantum mekaniks at ang aplikasyon nito lalo na sa pagkakatuklas ng mga alotropikong mga anyo ng hidroheno.

Kasunod ng ikalawang digmaang pandaigdig, siya ay nahirang na direktor ng Kaiser Wilhelm Institute for Physics na sa sandaling panahon ay muling ipinangalang Max Planck Institute for Physics. Siya ang direktor ng institutong ito hanggang sa ito ay ilipat sa Munich noong 1958 nang ito ay palawakin at muling pinangalanang Max Planck Institute for Physics and Astrophysics.

Si Heisenberg ay isa ring pangulo ng German Research Council, puno(chairman) ng Commission for Atomic Physics, puno ng Nuclear Physics Working Group, at pangulo ng Alexander von Humboldt Foundation.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Cline, Barbara Lovett. "Werner Heisenberg," Men Who Made a New Physics: Physicists and the Quantum Theory, dating pamagat: The Questions, Signet Science Library Book, The New American Library, New York/Toronto, 1965/1969, Library of Congress Catalog Card No. 65-18693