Si Arnold Johannes Wilhelm Sommerfeld, ForMemRS[1] (ipinanganak noong 5 Disyembre 1868 sa Königsberg, Silangang Prusya - † namatay noong 26 Abril 1951 sa Munich) ay isang pisikong teoretikal mula sa Alemanya na nagpasimula ng mga kaunlaran sa pisikang atomiko at kuwantum. Isa rin siyang matematiko. Tinuruan niya ang isang malaking bilang ng mga estudyante para sa bagong kapanahunan ng pisikang teoretikal. Nagsilbi siyang bilang superbisor na PhD para sa mas maraming bilang ng mga nagwagi ng premyong Nobel kaysa sa iba pang mga superbisor nang nakaraang mga panahon. Ipinakilala niya ang ikalawang numerong kuwantum (numerong kuwantum na azimuthal) at ang ikaapat na numerong kuwantum (numerong kuwantum na spin). Ipinakilala rin niya ang konstante ng pinong kayarian, at at pinasimulan niya ang teoriya ng alon ng X-ray.

Si Arnold Sommerfeld noong 1897.
Si Arnold Sommerfeld noong 1935.

Si Sommerfeld ay anak na lalaki ng isang manggagamot na praktikal. Pagkaraan makapagtapos ng pag-aaral noong 1886, nagsimula siyang mag-aral ng matematika sa Pamantasan ng Königsberg. Noong 1891, isinulat niya ang kaniyang tesis na pangdoktorado na patungkol sa nagkataon o arbitraryong mga punksiyon (gampanin) sa pisikang matematikal (pisikang makamatematika). Pagkaraan nito ay kailangan niyang maglingkod sa hukbong katihan ng militar. Pagkalipas ng buhay militar ay nagpunta siya sa Göttingen. Naging kawani siya sa instituto para sa mineralohiya, subalit interesado pa rin sa pisikang matematikal.

Noong 1894, naging kawani o katulong siya ni Felix Klein. Makaraan ang isang taon, isinulat niya ang kaniyang habilitasyon (paglalapat) patungkol sa teoriyang matematikal ng dipraksiyong optikal at naging guro ng matematika sa Göttingen. Nag-asawa siya noong 1897. Noong taon ding iyon, naging isa siyang ordinaryong propesor para sa matematika sa kolehiyo ng pagmimina ng Clausthal. Pagkalipas ng tatlong taon, naging propesor siya ssa Pamantasang Teknikal ng Aachen.

Noong 1906, naging propesor siya para sa pisikang teoretikal sa Munich, kung saan siya nanatili sa ganitong larangan. Habang propesor sa Munich, naglakbay siya nang dalawang beses sa buong mundo. Noong 1922 hanggang 1923, naging panauhing propesor siya sa Wisconsin at pagkaraan ay naglakbay sa India, Tsina, at Hapon. Noong 1928 hanggang 1929, naglakbay siya sa Estados Unidos bilang isang guro sa mga pamantasan.

Isa na siyang pensiyonado noong 1935, ngunit nagpatuloy pa rin sa pagtatrabaho magpahanggang 1940. Naging isang malaking suliranin ang pagpili kung sino ang tao na papalit sa kaniya. Nais ni Sommerfeld na humalili sa kaniya si Werner Heisenberg, subalit noong panahon ng rehimeng Nazi ang tungkulin ay maaari lamang mapunta sa isang tao na nagturo ng tinaguriang Pisikang Aleman, na kinasasaniban ng isang uri ng mistisismo. Sinubukang iwasan iyon ni Sommerfeld.

Namatay si Sommerfeld noong 1951 dahil sa isang aksidente sa kalsada.

Mga akda

baguhin
  • Theorie des Kreisels. 4 na bolyum (kapiling si Felix Klein), Leipzig 1897-1910
  • Atombau und Spektrallinien. Braunschweig 1919
  • Vorlesungen über theoretische Physik
    • Bol. 1: Mechanik. Leipzig 1943
    • Bol. 2: Mechanik der deformierbaren Medien. Leipzig 1945
    • Bol. 3: Elektrodynamik. Wiesbaden 1948
    • Bol. 4: Optik. Wiesbaden 1950
    • Bol. 5: Thermodynamik und Statistik. Wiesbaden 1952
    • Bol. 6: Partielle Differentialgleichungen der Physik. Leipzig 1945

Mga sanggunian

baguhin
  1. Born, M. (1952). "Arnold Johannes Wilhelm Sommerfeld. 1868-1951". Obituary Notices of Fellows of the Royal Society. 8 (21): 274–296. doi:10.1098/rsbm.1952.0018. ISSN 1479-571X.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)