Königsberg
Ang Königsberg (Aleman: [ˈkøːnɪçsbɛʁk] ( pakinggan)) ay ang Prusong makasaysayang lungsod na ngayon ay Kaliningrad, Rusya. Ang Königsberg ay itinatag noong 1255 sa lugar ng sinaunang Lumang Pruso na paninirahan na Twangste ng mga Orden Teutonica noong mga Krusada sa Hilaga, at pinangalanan bilang parangal kay Haring Otokar II ng Bohemya. Isang Baltikong lungsod pantalan, ito ay sunod-sunod na naging kabesera ng kanilang monastikong estado, ang Dukado ng Prusya (1525–1701), at Silangang Prusya. Ang Königsberg ay nanatiling lungsod ng koronasyon ng monarkiyang Pruso, kahit na ang kabisera ay inilipat sa Berlin noong 1701.
Isang lungsod daungan ang Königsberg sa timog silangang sulok ng Dagat Baltiko. Kilala na ito bilang Kaliningrad at bahagi na ng Rusya. | |
Mga koordinado | 54°43′00″N 20°31′00″E / 54.71667°N 20.51667°E |
---|---|
Kasaysayan | |
Itinatag | 1255 |
Nilisan | 1945 |
Kaugnay sa | Mga Sambiano, Aleman, Polako, Hudyo, Ruso, Litwano |
Kaganapan | Ikalawang Digmaang Pandaigdig |
Pagtatalá | |
Pagmamay-ari | Estado ng Orden Teutonica, Prusya, Alemanya |
Sa pagitan ng ikalabintatlo at ikadalawampung siglo, ang mga naninirahan ay nagsasalita ng Aleman, ngunit ang multikultural na lungsod ay nagkaroon din ng malalim na impluwensya sa mga kulturang Litwano at Polako. Ang lungsod ay isang sentro ng paglalathala ng panitikang Luterano, kabilang ang unang salin ng Bagong Tipan sa Polonya, na inilimbag sa lungsod noong 1551, ang unang aklat sa Litwano, at ang unang Luteranong katekismo, na parehong nakalimbag sa Königsberg noong 1547. Isang lungsod unibersidad, tahanan ng Pamantasang Albertina (itinatag noong 1544), ang Königsberg ay naging isang mahalagang sentro ng intelektuwal at kulturang Aleman, na siyang tirahan nina Simon Dach, Immanuel Kant, Käthe Kollwitz, E. T. A. Hoffmann, David Hilbert, Agnes Miegel, Hannah Arendt, Michael Wieck, at iba pa.
Noong 1736, gumamit si Leonhard Euler, matematiko Suwiso, ng ayos ng mga tulay ng lungsod bilang batayan para sa kaniyang problemang Pitong Tulay ng Königsberg, na nagdulot ng mga sangay ng matematika ng topolohiya at teorya ng grap.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Rusya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.