Australya

bansa sa Oceania
(Idinirekta mula sa Australian)

Ang Australya (Ingles: Australia), opisyal na Sampamahalaan ng Australya, ay bansang binubuo ng Sahul, kapuluang Tasmanya, at iilang maliliit na isla. Sumasaklaw ng lawak na 7,741,220 km2, ito ang pinakamalaking bansa sa Oseanya. ang populasyon nito sa halos 50 milyon, kung saan lubos na urbanisado at nakakonsentra ito sa silangang babayin. Hinahangganan ang bansa ng Katimugang Karagatan sa timog, Karagatang Indiko sa hilaga't kanluran, at Karagatang Pasipiko sa silangan. Bilang karagdagan, nakikibahagi ito ng limitasyong maritimo sa Silangang Timor, Indonesya, at Papua Nueva Guinea sa timog, at Bagong Silandiya, sa New Zealand, Kapuluang Solomon, at Bagong Caledonia sa silangan. Ang kabisera nito ay Canberra, habang ang pinakamataong lungsod at sentrong pinansiyal nito'y Sidney.

Sampamahalaan ng Australya
Commonwealth of Australia (Ingles)
Awiting Pambansa: Advance Australia Fair
"Sumulong Australyang Patas"


Awiting Makahari: God Save the King
"Diyos, Iligtas ang Hari"
Lupaing saklaw ng Sampamahalaan ng Australia at angking teritoryo nito sa Antartika.
Lupaing saklaw ng Sampamahalaan ng Australia at angking teritoryo nito sa Antartika.
KabiseraCanberra
35°18′29″S 149°07′28″E / 35.30806°S 149.12444°E / -35.30806; 149.12444
Pinakamalaking lungsodSidney
Wikang pambansaIngles
KatawaganAustralyano
Aussie (kolokyal)
PamahalaanParlamentaryong monarkiyang pederal at konstitusyonal
• Monarko
Carlos III
Sam Mostyn
Anthony Albanese
LehislaturaParlamento
• Mataas na Kapulungan
Senado
• Mababang Kapulungan
Kapulungan ng mga Kinatawan
Kasarinlan 
mula sa United Kingdom Reyno Unido
1 January 1901
9 October 1942 (with effect
from 3 September 1939)
3 March 1986
Lawak
• Kabuuan
7,692,024 km2 (2,969,907 mi kuw) (6th)
• Katubigan (%)
1.79 (2015)[1]
Populasyon
• Senso ng 2021
25,890,773
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $1.718 trillion (20th)
• Bawat kapita
Increase $65,366[kailangan ng sanggunian] (22nd)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $1.708 trillion (13th)
• Bawat kapita
Increase $64,964[kailangan ng sanggunian] (10th)
Gini (2018)32.5[2]
katamtaman
TKP (2021)Increase 0.951[3]
napakataas · 5th
SalapiDolyar ng Australya ($) (AUD)
Sona ng orasUTC+8; +9.5; +10 (Various)
• Tag-init (DST)
UTC+8; +9.5; +10;
+10.5; +11
(Various)
Ayos ng petsadd/mm/yyyy[4]
Gilid ng pagmamanehokaliwa
Kodigong pantelepono+61
Internet TLD.au

Sa loob ng di-bababa sa 40,000 taon bago ang unang pananahan ng mga Ingles sa huling bahagi ng ika-18 siglo, ang Australia ay pinaninirahan ng mga katutubong Awstralyano, na nagsasalita ng mga wikang nakapangkat sa humigit-kumulang 250 grupo ng mga lengguwahe. Matapos matuklasan ng mga Europeo ang kontinente sa pamamagitan ng mga manlalayag na Olandes noong 1606, ang silangang bahagi ng Australia ay inangkin ng Gran Britanya noong 1770 at nang simula'y naging tapunan ng mga bilanggo sa kolonya ng New South Wales mula 26 Enero 1788. Lumaki ang populasyon nang sumunod na mga dekada; ang kontinente ay ginalugad at naitatag ang karagdagang limang nagsasariling Crown Colonies.

Noong 1 Enero 1901, naging isang pederasyon ang anim na kolonya, na ngayo'y tinatawag na Komonwelt ng Australya. Mula noong Pederasyon, napanatili ng Australya ang isang matatag na sistemang pulitikal na demokratikong liberal, na kumikilos bilang isang demokrasyang parlamentaryong pederal at monarkiyang konstitusyonal, na binubuo ng anim na estado at ilang mga teritoryo. Ang populasyon na 23.6 na milyon ay higit na urbanisado at nakatuon sa mga silangang estado at sa baybayin.

Ang Australia ay isang maunlad na bansa at isa sa mga pinakamayaman sa mundo, dahil sa ekonomiya nitong ika-12 sa pinakamalaki. Noong 2012 ang Australia ang may ikalimang pinakamataas na kita bawat tao sa buong mundo, at ang gastos-militar ng Australia ang ika-13 pinamakamalaki sa mundo. Dahil taglay nito ang ikalawang pinakamataas na pandaigdigang indise ng kaunlaran ng tao (human development index), mataas ang nagiging ranggo ng Australia sa mga pandaigdigang paghahambing ng pambansang paggawa (national performance), katulad ng kalidad ng buhay, kalusugan, edukasyon, kalayaang pang-ekonomiya, at proteksiyon ng mga kalayaang sibil at mga karapatang pulitikal. Ang Australia ay kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa, G20, Komonwelt ng mga Bansa, ANZUS, Organisasyon para sa Pagtutulungang Ekonomiko at Pag-unlad (Organisation for Economic Co-operation and Development o OECD), Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan (World Trade Organization o WTO), Kooperasyong Ekonomiko sa Asya-Pasipiko (Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC), at ng Pacific Islands Forum.

Etimolohiya

baguhin

Binibigkas bilang [əˈstɹæɪljə, -liə] sa Ingles Australiano, ang pangalang Australia ay nagmula sa salitang Latin na australis, na nangangahulugang "katimugan." Tinutukoy din ang bansa sa wikang kolokyal bilang Oz mula noong simula ng ika-20 dantaon. Ang Aussie ay isang karaniwang salitang balbal para sa "Australiano." Sa kapitbahayang New Zealand, at bibihira naman sa Australia mismo, ang pangngalang "Aussie" ay ginagamit din upang tukuyin ang bansa, isang pagbubukod na tawag mula sa mga naninirahan dito. Ang awit-pampalakasan na C'mon Aussie C'mon ay isang halimbawa ng lokal na gamit ng Aussie bilang kasingkahulugan ng Australia.

Ang mga alamat tungkol sa Terra Australis Incognita—isang "di-kilalang kalupaan sa Timog"—ay nag-umpisa mula pa noong panahon ng mga Romano at naging isang karaniwang bagay sa heograpiya ng Kalagitnaang Panahon, bagaman at hindi ito batay sa anumang nasusulat na kaalaman hinggil sa kontinente. Matapos ang pagkakatuklas ng mga Europeo, ang pangalan para sa kalupaang Australian ay malimit na nagiging batayan ng sikat na Terra Australis.

Ang pinakaunang naitalang paggamit ng salitang Australia ay noong 1625 sa “Isang talá ng Australia del Espiritu Santo, isinulat ni Ginoong Richard Hakluyt,” (A note of Australia del Espíritu Santo, written by Sir Richard Hakluyt) inilathala ni Samuel Purchas sa Hakluytus Posthumus, isang korupsiyon ng orihinal na pangalang Espanyol na "Tierra Austral del Espíritu Santo" (Katimugang Lupain ng Espiritu Santo) para sa pulo ng Vanuatu. Ang pang-uring Olandes na salitang Australische ay ginamit sa isang aklat na Olandes sa Batavia (Jakarta) noong 1638, upang tumukoy sa bagong tuklas na mga lupain sa timog. Ginamit sa ibang pagkakataon ang Australia noong 1693 sa isang salin ng Les Aventures de Jacques Sadeur dans la Découverte et le Voyage de la Terre Australe, isang nobelang Pranses noong 1676 ni Gabriel de Foigny, sa ilalim ng sagisag-panulat na Jacques Sadeur. Upang tumukoy sa buong rehiyon ng Timog Pasipiko, ginamit ito ni Alexander Dalrymple sa Isang Makasaysayang Paglilikom ng mga Paglalakbay at mga Natuklasan sa Timog Karagatang Pasipiko (An Historical Collection of Voyages and Discoveries in the South Pacific Ocean) noong 1771. Sa pagtatapos ng ika-18 siglo, ang katawagan ay ginamit upang partikular na tukuyin ang mismong bansa, na isinulat naman ng mga botanistang sina George Shaw at Ginoong James Smith ang tungkol sa “malawak na pulo, o manapa’y kontinente, ng Australia, Australasia, o New Holland” sa kanilang dokumento noong 1793 na Soolohiya at Botanika ng New Holland (Zoology and Botany of New Holland), at si James Wilson naman na isinama ito sa isang talangguhit noong 1799.

Ang pangalang Australia ay pinasikat ng manlalakbay na si Matthew Flinders, na nagtulak dito upang pormal itong pagtibayin simula 1804. Sa dokumento ni Robert Brown na Pangkalahatang puna, heograprikal at sistematikal, hinggil sa botanika ng Terra Australis (General remarks, geographical and systematical, on the botany of Terra Australis), ginamit ni Brown ang salitang pang-uri na Australian sa kabuuan – ang unang nalalamang gamit ng pormang iyon. Sa kabila ng popular na kabatiran, ang aklat ay hindi nakatulong sa pag-angkin ng pangalan: ang pangalan ay unti-unting tinanggap higit sampung taon pa ang dumaan.

Ang unang beses na ang pangalang Australia ay lumitaw upang opisyal na gamitin ay sa isang pagsugo kay Lord Bathurst ng 04 Abril 1817 kung saan kinilala ni Gobernador Lachlan Macquarie ang pagtanggap sa mga talangguhit ng Australia ni Kapitan Flinders. Noong 12 Disyembre 1817, itinagubilin ni Macquarie sa Tanggapang Kolonyal na pormal itong kilalanin. Noong 1824, sumang-ayon ang Kaalmirantehan (Admiralty) na ang kontinente’y dapat opisyal na kilalanin bilang Australia.

Kasaysayan

baguhin

Mga Sinaunang Tao at Kasaysayan ng Australya

baguhin

Ang mga katutubong Australyano ay binubuo ng dalawang malawak na grupo: ang mga Aboriginal na tao ng Australian mainland (at mga nakapalibot na isla kabilang ang Tasmania), at ang Torres Strait Islanders, na isang natatanging Melanesian na mga tao. Ang paninirahan ng tao sa kontinente ng Australya ay tinatayang nagsimula 50,000 hanggang 65,000 taon na ang nakalilipas[5][6][7], sa paglipat ng mga tao sa pamamagitan ng mga tulay sa lupa at maikling pagtawid sa dagat mula sa ngayon ay Timog-Silangang Asya. Hindi tiyak kung gaano karaming mga alon ng imigrasyon ang maaaring nag-ambag sa mga ninuno ng modernong Aboriginal Australian. Ang Madjedbebe rock shelter sa Arnhem Land ay posibleng ang pinakalumang site na nagpapakita ng presensya ng mga tao sa Australya. Ang pinakalumang mga labi ng tao na natagpuan ay ang mga labi ng Lake Mungo, na napetsahan sa humigit-kumulang 41,000 taon na ang nakalilipas.[8]

Ang kultura ng Aboriginal na Australyan ay isa sa mga pinakalumang patuloy na kultura sa daigdig[9]. Sa panahon ng unang pakikipagsalamuha sa mga Europeong maglalakbay, ang mga Aboriginal na Australyano ay mga kumplikadong mangangaso-gatherer na may magkakaibang ekonomiya at lipunan, at kumalat sa hindi bababa sa 250 iba't ibang grupo ng wika. Ang mga pagtatantya ng populasyon ng Aboriginal bago ang paninirahan ng mga British ay mula 300,000 hanggang isang milyon.[10]

Ang mga taong Torres Strait Islander ay unang nanirahan sa kanilang mga isla mga 4,000 taon na ang nakalilipas.[11] Kakaiba sa kultura at wika mula sa mga taong Aboriginal sa mainland, sila ay mga marino at nakakuha ng kanilang kabuhayan mula sa pana-panahong paghahalaman at mga mapagkukunan ng kanilang mga bahura at dagat. Ang agrikultura ay umunlad din sa ilang isla at nayon na lumitaw noong 1300s.

Europeong Pagtutuklas at Kolonisasyon

baguhin
 
Pagdaong ni James Cook sa Botany Bay nuong 29 Abril 1770 upang angkinin ang silangang bahagi ng Australya sa sa ngalan ng Reino Unido.

Ang mga Olandes ay ang unang mga Europeo na nakakita at dumaong sa Australya. [12] Ang unang barko at mga tripulante na nag-tala sa baybayin ng Australia at nakipagpulong sa mga Aboriginal ay ang Duyfken, na pinangunahan ng Olandes navigator na si Willem Janszoon.[13] Nakita niya ang baybayin ng Cape York Peninsula noong unang bahagi ng 1606, at nagdaong noong 26 Pebrero 1606 sa Ilog Pennefather malapit sa modernong bayan ng Weipa sa Cape York. Pagkaraan ng taong iyon, ang Espanyol na explorer na si Luís Vaz de Torres ay naglayag at siniyasat ang Torres Strait Islands.[14] Itinala ng Olandes ang kabuuan ng kanluran at hilagang baybayin at pinangalanan ang kontinente ng isla na "New Holland" noong ika-17 siglo, at bagaman walang nagawang pagtatangka sa pag-areglo, ang isang bilang ng mga pagkawasak ng barko ay nag-iwan ng mga tao na mapadpad o, tulad ng sa kaso ng Batavia noong 1629, inabandona dahil sa pag-aalsa at pagpatay, na nagresulta sa mga unang Europeo na permanenteng nanirahan sa kontinente.[15] Noong 1770, si Kapitan James Cook ay naglayag at nagmapa sa silangang baybayin, na pinangalanan niyang "New South Wales" at inaangkin para sa Gran Britanya. [16]

 
Adelaide nuong 1839. Ang Timog Australya ay tinatag bilang isang malayang kolonya na walang bilanggo o convicts.

Karamihan sa mga naunang nanirahan ay mga bilanggo, dinala para sa maliliit na krimen at itinalaga bilang mga manggagawa o tagapaglingkod sa "mga libreng settler" (mga ninanais na migrante). Sa sandaling napalaya, ang mga bilanggo ay may posibilidad na sumanib sa kolonyal na lipunan. Ang batas militar ay idineklara upang sugpuin ang mga paghihimagsik at pag-aalsa ng mga nahatulan, at tumagal ng dalawang taon kasunod ng Rebelyong Rum noong 1808, ang tanging matagumpay na armadong pagkuha ng pamahalaan sa Australia.[17] Sa sumunod na dalawang dekada, ang mga repormang panlipunan at pang-ekonomiya, kasama ang pagtatatag ng isang Legislative Council at Korte Suprema, ay nakita ang paglipat ng New South Wales mula sa isang kolonya ng penal tungo sa isang lipunang sibil. [18]

Bumaba ang katutubong o aboriginal na populasyon sa loob ng 150 taon kasunod ng paninirahan ng mga Europeo, pangunahin nang dahil sa nakakahawang sakit. [19] Ang kolonyal na awtoridad ng Britanya ay hindi pumirma ng anumang mga kasunduan sa mga grupong Aboriginal. [20] Habang lumalawak ang paninirahan, libu-libong mga Katutubo ang namatay sa mga salungatan laban sa mga Aboriginal at Briton, habang ang iba ay inalis sa kanilang mga tradisyonal na lupain.[21]

Noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo, ang mga explorer na sila; Burke at Wills ay lumakbay sa tinatawagang interior o ang outback ng Australia upang itala ito sa mapa. [22]Ang isang serye ng gold rush na nagsimula noong unang bahagi ng 1850s ay humantong sa pagdagsa ng mga bagong migrante mula sa Tsina, Hilagang Amerika at Europa[23], pati na rin ang mga pagsiklab ng bushranging (bandidong Australyano na nakaalpas sa bilangguan) at kaguluhang sibil; ang huli ay sumikat noong 1854 nang ilunsad ng mga minero ng Ballarat ang Eureka Rebellion laban sa mga bayad sa lisensya ng ginto.[24] Noong dekada 1860, dumagsa ang blackbirding, kung saan napilitan ang mga taga-isla ng Pasipiko sa kaalipinan, pangunahin sa Queensland.

Mula 1886, nagsimula ang mga kolonyal na pamahalaan ng Australia na magpakilala ng mga patakaran na nagresulta sa pag-alis ng maraming Aboriginal na bata sa kanilang mga pamilya at komunidad. Ang Ikalawang Digmaang Boer (1899–1902) ay minarkahan ang pinakamalaking deployment sa ibang bansa ng mga kolonyal na pwersa ng Australia. [25]

Mga Estado at mga Teritoryo

baguhin
 
Mapa ng mga estado at teritoryo ng Australia

Ang Australia ay may anim na mga estado — New South Wales (NSW), Queensland (QLD), South Australia (SA), Tasmania (TAS), Victoria (VIC) and Western Australia (WA) — at tatlong pangunahing mga teritoryo— ang Australian Capital Territory (ACT), the Northern Territory (NT), at ang Jervis Bay Territory (JBT). Sa karamihan ng mga respto, ang ACT at NT ay gumagangap bilang mga estado maliban nang ang Parliyamento ng Commonwealth ay may kapangyarihang magbago o magbaliktad ng anumang batas na ipinasa mga parliyamento ng isang teritoryo.[26]

Sa ilalim ng Saligang Batas ng Australia, ang mga estado ay may mga plenaryong kapangyarihan na gumawa ng mga batas]] sa anumang nasasakupan samantalang ang Parliamento ng Pederal na Komonwelt ay gumagawa lamang ng batas sa saklaw ng mga nasasakupang lugar sa ilalim ng Seksiyong 51 ng Saligang Batas ng Australia. Halimbawa, ang mga parliamento ng isang estado ay may kapangyrihang magpasa ng batas na nauukol sa edukasyon, batas kriminal, kapulisan ng estado, kalusugan, transportasyon, at lokal na pamahalaan ngunit ang Parliamento ng Komonwelt ay walang spesipikong kapanyariha na magpasa ng batas sa mga isyung ito.[27] Gayumpaman, ang mga batas ng Komonwelt ay maaaring manaig sa mga batas ng estado kung ito ay sasalungat.[28]

Ang bawat estado ng Australia at mga pangunahing teritoryo ay may sarili nitong Parliamento— unikameral sa Northern Territory, the ACT at Queensland, and bikameral sa iba pang estado. Ang mga estado ay mga soberanyang entidad bagaman napapasailalim ng ilang mga kapangyrihan na gaya ng isinasaad sa Saligang Batas ng Australia. Ang mga mababang kapulungan ay tinatawag na Kapulungan ng Asemblea sa South Australia at Tasmania; ang mga mataas na kapulungan ay tinatawag na Konsehong Lehislatibo. Ang pinuno ng pamahalaan sa bawat estado ay ang Premier at ang sa bawat teritoryo ay Pangunahing Ministro. Ang Hari ng Inglatera ay kinakatawan ng bawat estado sa pamamagitan ng isang Gobernador at sa Northern Territory ay ng Administrador. the upper houses are known as the Legislative Council.[29] Sa Komonwelt, ang kinatawan ng Reyna ng Inglatera ay ang Gobernador-Heneral ng Australia.[30]

Diretsang pinangangasiwaan ng Parliamento ng Komonwelt ang mga panlabas ng teritoryo ng Ashmore and Cartier Islands, Christmas Island, the Cocos (Keeling) Islands, at Coral Sea Islands, Heard Island and McDonald Islands, at ang inaangking rehiyon ng Teritoryong Austrlianong Antarktiko gayundin ang panloob na Jervis Bay Territory isang baseng pandagt at daungang pandagat para pambansang kapital sa lupain ng dating bahagi ng New South Wales.[kailangan ng sanggunian] Ang panlas ng teritory ng Norfolk Island ay nakaraang nagsasanay ng malaking autonomiya sa ilalim ng Norfolk Island Act 1979 sa pamamagitan ng sarili ng nitong Asembleyang Lehislatibo at isang talaan ng mga administrador na kumakatawan sa Reyna ng Inglatera.[31] Noong 2015, binuwag ng Parliamento ng Komonwelt ang pangangasiwa sa sarili at nagpapasok saNorfolk Island sa mga sistema ng pagbubuwis at welfare ng Austrlia at nagpalit sa asembleyang lehislatibo nito sa isang konseho.[32] Ang Macquarie Island ay bahagi ng Tasmania,[33] at ang Lord Howe Island ay bahagi ng New South Wales.[34]

Mga estado

baguhin
Pangalan Postal abbreviation Kabisera Populasyon Lawak (km2) Bilang ng upuan sa Kapulungan Bilang ng mga upuan sa Senado Lehislatura Gobernador Premier
  New South Wales NSW Sydney 8,189,300 809,952 47 12 Parliament Margaret Beazley Dominic Perrottet (Lib)
  Victoria VIC Melbourne 6,649,200 237,657 38 12 Parliament Linda Dessau Daniel Andrews (ALP)
  Queensland QLD Brisbane 5,221,200 1,851,736 30 12 Parliament Jeannette Young Annastacia Palaszczuk (ALP)
  Western Australia WA Perth 2,681,600 2,642,753 16 12 Parliament Kim Beazley Mark McGowan (ALP)
  South Australia SA Adelaide 1,773,200 1,044,353 10 12 Parliament Frances Adamson Peter Malinauskas (ALP)
  Tasmania TAS Hobart 541,500 90,758 5 12 Parliament Barbara Baker Peter Gutwein (Lib)

Mga teritoryo

baguhin
Pangalan Postal abbreviation Uri Kabisera/Pinakamalaking populasyon Populasyoon Lawak (km2) Bilang ng upuan ng Kapulungan ng Australia Bilang ng upuan sa Senado ng Australia Lehislatura Administrador Pangunahing Ministor/Akalde
  Australian Capital Territory ACT Panloob na teritoryo Canberra 432,300 2,358 3 2 Asembleyang Lehislatibo Andrew Barr (ALP)
  Northern Territory NT Panloob na teritoryo Darwin 246,300 1,419,630 2 2 Parliamento Vicki O'Halloran Michael Gunner (ALP)
  Christmas Island CX Panlabas na teritoryo Flying Fish Cove 1,938 135 Sa ilalim ng Lingiari Sa ilalim ng NT Natasha Griggs Gordon Thomson
  Norfolk Island NF Panlabas ng teritoryo Kingston 1,758 35 Sa ilalim ng Bean Sa ilalim ng ACT Eric Hutchinson Robin Adams
  Cocos (Keeling) Islands CC Panlabas na teritoryo West Island 547 14 Sa ilalim ng Lingiari Sa ilalim ng NT Natasha Griggs Seri Wati Iku
Jervis Bay Territory JBT Panloob na teritoryo Jervis Bay Village 405 67 Sa ilalim ng Fenner Sa ilalim ng ACT
Australian Antarctic Territory AQ Panlabas ng teritoryo 0 5,896,500
Coral Sea Islands Panlabas ng teritoryo 0 780,000
Heard Island and McDonald Islands HM Panlabas ng teritoryo 0 372
Ashmore and Cartier Islands Panlabas na teritoryo 0 199

Relihiyon

baguhin
 

Relihiyon sa Australia (2016)[35]

  Ibang Kristiyano (16.3%)
  Walang relihiyon(Ateista o Agnotiko) (30.1%)
  Hudyo (0.4%)
  Muslim (2.6%)
  Hindu (1.9%)
  Budista (2.4%)
  Walang isinaad (9.7%)
  Anglikano (13.3%)

Kultura

baguhin

Ang Australia ay isang kulturang indibidwalistiko na isang uri ng ng kultura na ang pagpapahalaga ay nasa isang indibidwal o sarili kesa sa isang grupo. Ang mga kulturang indidbidwal ay nagbibigay halaga sa sariling pananaw, pribasiya, autonomiya(pangangasiwa sa sariling buhay), pag-asa sa sarili at sariling sikap. Ang mga Australiano ay gumagamit ng diretsang pakipagtalastasan, naghahayag sa sariling naisin, at gumagamit ng mga iba't ibang paraan upang maayos ang mga alitan sa ibang kapwa tao. Ang Australia ay isang uri ng may mababang pagitan ng kapangyarihan(low power distance culture) kung saan ito ay nagbibigay halaga sa bawat indibidwal na walang tinitingnang estado o katayuan sa buhay at nagtatakwil ng kawalang kapantayan sa lipunan. Tinatakwil ng mga Australiano ang mga autoridad sa ikabubuti ng bawat indibidwal na bahagi ng isang lipunan.

Tingnan din

baguhin

Talababa

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Surface water and surface water change". Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD). Nakuha noong 11 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Income Distribution Database". stats.oecd.org (Database). Organisation for Economic Co-operation and Development. 16 Disyembre 2020. Nakuha noong 9 Mayo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Human Development Report 2021/2022" (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Development Programme. 8 Setyembre 2022. Nakuha noong 8 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Australian Government (Marso 2023). "Dates and time". Style Manual. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Mayo 2023. Nakuha noong 6 Mayo 2023. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Nunn, Patrick D. (2018). The edge of memory: ancient stories, oral tradition and the post-glacial world. Bloomsbury sigma series. London: Bloomsbury Sigma. ISBN 978-1-4729-4328-6. OCLC 1020559766.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Fagan, Brian M.; Durrani, Nadia (2018). People of the earth: an introduction to world prehistory (ika-Fifteen edition (na) edisyon). Milton Park, Abingdon, Oxon ; New York, NY: Routledge. ISBN 978-1-315-19329-8. {{cite book}}: |edition= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Clarkson, Chris; Jacobs, Zenobia; Marwick, Ben; Fullagar, Richard; Wallis, Lynley; Smith, Mike; Roberts, Richard G.; Hayes, Elspeth; Lowe, Kelsey; Carah, Xavier; Florin, S. Anna (2017-07). "Human occupation of northern Australia by 65,000 years ago". Nature (sa wikang Ingles). 547 (7663): 306–310. doi:10.1038/nature22968. ISSN 1476-4687. {{cite journal}}: Check date values in: |date= (tulong)
  8. "Book sources - Wikipedia". en.wikipedia.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-08-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Book sources - Wikipedia". en.wikipedia.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-08-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Statistics, c=AU; o=Commonwealth of Australia; ou=Australian Bureau of (2002-01-25). "Chapter - Aboriginal and Torres Strait Islander population". www.abs.gov.au (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-08-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  11. Blainey, Geoffrey (2015). The story of Australia's people: the rise and fall of ancient Australia. Melbourne, Victoria: Viking. ISBN 978-0-670-07871-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. National Library of Australia, pat. (2013). Mapping our world: terra incognita to Australia. Canberra, ACT: National Library of Australia. ISBN 978-0-642-27809-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Smith, Claire; Burke, Heather (2007). Digging it up down under: a practical guide to doing archaeology in Australia. World Archaeological Congress cultural heritage manual series. World Archaeological Congress (Organization). New York: Springer. ISBN 978-0-387-35260-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Hilder, Brett (1980). The voyage of Torres: the discovery of the southern coastline of New Guinea and Torres Strait by Captain Luis Baéz de Torres in 1606. St. Lucia, Q: University of Queensland Press. ISBN 978-0-7022-1275-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Book sources - Wikipedia". en.wikipedia.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-08-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Book sources - Wikipedia". en.wikipedia.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-08-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Matsuda, Matt K. (2012). Pacific worlds: a history of seas, peoples, and cultures. Cambridge (GB): Cambridge University Press. ISBN 978-0-521-88763-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Book sources - Wikipedia". en.wikipedia.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-08-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Australia", Wikipedia (sa wikang Ingles), 2024-08-16, nakuha noong 2024-08-17{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Book sources - Wikipedia". en.wikipedia.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-08-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Foster, S. G.; Attwood, Bain; National Museum of Australia, mga pat. (2003). Frontier conflict: the Australian experience. Canberra: National Museum of Australia. ISBN 978-1-876944-11-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Early explorers - Australia's Culture Portal". web.archive.org. 2011-04-08. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-04-08. Nakuha noong 2024-08-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Jupp, James, pat. (2001). The Australian people: an encyclopedia of the nation, its people and their origins (ika-New ed. (na) edisyon). Cambridge: Cambridge University Press. ISBN 978-0-521-80789-0. {{cite book}}: |edition= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Davison, Graeme; Hirst, John; Macintyre, Stuart, mga pat. (1998). The Oxford companion to Australian history. Melbourne ; New York: Oxford University Press. ISBN 978-0-19-553597-6. OCLC 42309911.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Australia and the Boer War, 1899–1902 | Australian War Memorial". www.awm.gov.au. Nakuha noong 2024-08-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Commonwealth of Australia Constitution Act – Sect 122 Government of territories". Australasian Legal Information Institute. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-10-04. Nakuha noong 2022-03-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "State and Territory Government". Government of Australia. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Nobyembre 2009. Nakuha noong 23 Abril 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Australian Constitution, section 109
  29. "Role of the Administrator". Government House Northern Territory. 16 Hunyo 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Abril 2013. Nakuha noong 30 Marso 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Governor-General's Role". Governor–General of the Commonwealth of Australia. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Agosto 2008. Nakuha noong 30 Marso 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Administrator of Norfolk Island". Australian Government Attorney-General's Department. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Agosto 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Tan, Monica; Australian Associated Press (12 Mayo 2015). "Norfolk Island loses its parliament as Canberra takes control". The Guardian. Nakuha noong 21 Oktubre 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Macquarie Island research station to be closed in 2017". ABC News. 13 Setyembre 2016. Nakuha noong 19 Oktubre 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Nomination of The Lord Howe Island Group by the Commonwealth of Australia For inclusion in the World Heritage List (PDF). New South Wales Government. Disyembre 1981. pp. 1–2. ISBN 0-642-87819-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. "Religion in Australia". Australian Bureau of Statistics. 28 Hunyo 2017. Nakuha noong 6 Hulyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

baguhin