Australian Open
Ang Australian Open ay isa sa apat na Grand Slam na torneo ng larong tenis. Taon-taong idinaraos ang torneo magmula nang ito'y sinimulan noong 1905 at huling namang naglaro sa grass court ang mga pagtutunggali noong 1987. Simula 1972, ito'y ginaganap sa Melbourne, Victoria. Noong 1988, naging hard court event na ang nasabing torneo. Sa kasalukuyan, dinaraos ito sa Melbourne Park. Ginaganap ang torneo sa Melbourne tuwing tag-init sa Australia sa huling dalawang linggo ng buwan ng Enero. Nagpapatupad ng extreme-heat policy kapag umaabot na sa mapanganib na antas ang temperatura.
Australian Open | ||
---|---|---|
Opisyal na website | ||
Lokasyon | Melbourne, Victoria Australia | |
Pinagdarausan | Melbourne Park | |
Sahig | Plexicushion Prestige | |
Men's draw | 128S / 128Q / 64D | |
Women's draw | 128S / 96Q / 64D | |
Premyong Pera | A$ 26,000,000 (2012)[1] | |
Grand Slam | ||
Kasalukuyan | ||
2012 Australian Open |
Ang dalawang pangunahing pinaglalaruan ng torneo ay ang Rod Laver Arena at Hisense Arena na may mga bubungang naiuurong at isinasara tuwing umuulan o sa tuwing matindi ang init. Ang Australian Open at Wimbledon lamang sa mga torneong Grand Slam ang may laro sa looban. Noong 2008, ang sahig na Rebound Ace na ginagamit na sa loob ng 20 taon sa Melbourne Park ay pinalitan ng almohado at katamtamang-bilis,[2] na acrylic na sahig na tinatawag na Plexicushion Prestige. Tanging sina Roger Federer at Serena Williams ang mga manlalarong nanalo sa Australian Open sa parehong Rebound Ace at Plexicushion Prestige. Ang kainaman ng bagong sahig na ginagamit ay pagigingkonsistent nito at kaunting init lang ang pinapanatili nito, sanhi ng mas manipis na pang-ibabaw na suson nito. Kaakibat ng pagapapalit na ito, ang pagpapalit din ng lahat ng sahig ng mga torneong tinanghal-patungo sa Australian Open. Naging kontrobersiyal ang pagpapapalit ng sahig dahil kagaya nito ang DecoTurf na ginagamit ng US Open.[3]
This change was accompanied by changes in the surfaces of all lead-up tournaments to the Australian Open. The change was controversial because of the new surface's similarity to DecoTurf, the surface used by the
Gaya ng iba pang torneong Grand Slam, may mga kompetisyong panlalake at pambabae na pang-isahan, pandalawahan, magkahalong dalawahan; at junior's, wheelchair, ekshibisyon, at legends' competitions.
Karaniwan nang dagsa ang dumadalo sa Australian Open. Noong Enero 23, 2010, naitala ang pinakamaraming dumalo sa isang maghapong laro sa lahat ng mga torneong Grand Slam na may 77,043 katao, habang 653,860 ang dumalo noong taong iyon.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Prize Money". australianopen.com. Nakuha noong 10 Enero 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "List of Classified Court Surfaces." Naka-arkibo 2012-12-25 sa Wayback Machine. itftennis.com. 21 Enero 2012. (sa Ingles)
- ↑ Noyes, Jesse. "Tennis court surfacer serves up two major deals." Boston Business Journal. 28 Enero 2008. 21 Enero 2012. (sa Ingles)
- ↑ "The Final Word: Australian Open 2010." Tennis - ATP World Tour. 31 Enero 2010. ATP World Tour. 21 Enero 2012. (sa Ingles)