Autonomous University of Nuevo León
Ang Autonomous University of Nuevo León (Kastila: Universidad Autónoma de Nuevo León, UANL) ay isang pampublikong unibersidad na may pitong kampus sa kabuuan sa hilagang estado ng Nuevo León, Mehiko. Itinatag bilang Unibersidad ng Nuevo León noong ika-25 ng Setyembre 1933, ito ang pangatlong pinakamalaking unibersidad na pampubliko sa Mehiko ayon sa populasyon ng mag-aaral at ang pinakamahalagang institusyon ng mas mataas na pag-aaral sa hilagang silangan Mehiko. Nag-aalok ito ng pinakamataas na bilang ng mga programang pang-akademiko sa nasabing rehiyon. Ito rin ang pinakamatandang unibersidad sa estado. Ang punong kampus nito ay nasa lungsod San Nicolás de los Garza, bahagi ng metropolis ng Monterrey.
25°43′38″N 100°18′37″W / 25.72722°N 100.31028°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.