Awtokrasya

(Idinirekta mula sa Awtokrato)

Ang awtokrasya, mula sa Griyegong "αὐτο" (sarili) + "kratos" (kapangyarihan o pamahalaan), ay isang sistema ng pamahalaan kung saan ang kataas-taasang kapangyarihan ay hawak ng iisang tao lamang o ng awtokrato. Sa isang awtokrasya, walang legal na balakid o regular na mekanismong magpapakitang may impluwensiya ang sambayanan sa kapasiyahan ng isang awtokrato (maliban kung may kudeta o malawakang pag-aalsa).[1]

Kasaysayan at etimolohiya

baguhin

Ginagamit ang salitang Autocrates (Αὐτοκράτης) sa Medyebal na wikang Griyego, upang tukuyin ang kahit sino mang may titulong emperador, kahit pa walang kaugnayan sa aktuwal na kapangyarihan ng isang monarko. Kasama ang titulong Autokrato sa estilong opisyal ng ilang monarkong Slavic sa kasaysayan, gaya ng mga Rusong czar at emperador, upang maitangi sila iba pang mga monarkong konstitusyonal ng Europa.

Paghahambing sa ibang pang uri ng pamahalaan

baguhin

Malimit, ngunit hindi kinakailangang, maihanay ang awtokrasya sa totalitarismo at diktadurang militar. Ang totalitarismo ay isang sistema kung saan pinagsisikapang kontrolin ng isang estado ang bawat aspekto ng buhay at lipunang sibil. Maaari itong pamunuan ng isang kataas-taasang diktador, ito'y magiging awtokratiko, ngunit maari din itong magkaroon ng kolektibong pamunuan gaya ng isang komuna o partidong politikal.

Sa isang analisis ng mga alítang militar sa pagitan ng dalawang estado, kapag awtokrasya ang isang estadong nasasangkot dumodoble ang panganib na mauwi ito sa karahasan.[2]

Pagpapanatili

baguhin

Dahil nangangailangan ng estruktura ng kapangyarihan upang mamuno ang mga awtokrato, mahirap matukoy ang pagkakaiba ng mga awtokrasya sa tala ng kasaysayan mula sa mga oligarkiya. Nakasalalay sa mga noble, militar, kaparian, o iba pang elitistang grupo ang karamihan ng mga awtokrato sa kasaysayan.[3] Naikakatuwiran ng ilang mga awtokrasya na ang kanilang karapatan sa kapangyarihan ay banal.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Autocracy: A Glossary of Political Economy Terms - Dr. Paul M. Johnson". Auburn.edu. Nakuha noong 2012-09-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Pinker, Steven (2011). The Better Angels Of Our Nature. Pg.341: Penguin. ISBN 978-0-141-03464-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location (link)
  3. Tullock, Gordon. "Autocracy", Springer Science+Business, 1987. ISBN 90-247-3398-7