Si Ayelet Zurer ( Hebreo: איילת זורר‎ </link> ; ay ipinanganak noong Hunyo 28, 1969. Sya ay isang artistang Israeli. [1] Siya ay hinirang para sa mga parangal sa Jerusalem Film Festival, ang Israeli Academy Awards at ang Israeli Television Academy Awards. Nanalo siya ng mga parangal na Best Actress para sa kanyang mga pagganap sa pelikulang Israeli na Nina's Tragedies and Betipul. Gumanap din siya bilang si Vanessa Marianna-Fisk sa Marvel Television 's , isnag serye sa Netflix na Daredevil noong taong 2015 hanggang 2018.

Ayelet Zurer

Talambuhay

baguhin

Si Ayelet Zurer ay ipinanganak at lumaki sa Tel Aviv, Israel, sa isang pamilyang Hudyo. Ang kanyang ina ay ipinanganak sa Czechoslovakia at nakaligtas sa Holocaust sa pamamagitan ng pagtatago sa isang kumbento. Lumipat siya sa Israel noong 1950s. [2] [3] Ang kanyang ama na ipinanganak sa Israel ay may lahing Russian-Jewish . [4] Inilarawan niya ang kanyang mga magulang bilang "mga manggagawa". [4]

Noong kanyang kabataan, nag-aral siya ng teatro bilang isang aktibidad sa paaralan sa 14th Municipal High School at lumahok sa Tel Aviv Scouts band . [5] Sa kanyang paglilingkod sa Israel Defense Forces, si Zurer ay isang sundalo sa pangkat ng militar ng Northern Command.

Pagkatapos ng kanyang serbisyo sa militar, nag-aral si Zurer ng pag-arte sa loob ng tatlong taon sa Performing Arts Studio na itinatag ni Yoram Loewenstein. Lumipat siya sa Estados Unidos at nag-aral kay George Morison sa Actor's Workshop sa New York City. Noong 1991, bumalik siya sa Israel.

Noong 2003, pinakasalan niya ang kanyang surfing instructor, na si Gilad Londovski. Mayroon silang isang anak na lalaki at naninirahan sa Los Angeles.

  1. "Ayelet Zurer". IMDb. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Marso 2016. Nakuha noong 29 Hunyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Abramowitz, Rachel (3 Abril 2009). "Ayelet Zurer is an antihero for 'Angels & Demons'". Los Angeles Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Mayo 2009. Nakuha noong 17 Mayo 2009. {{cite news}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Pfefferman, Naomi (29 Abril 2009). "Illuminating Ayelet Zurer". The Jewish Journal. Los Angeles. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Hulyo 2015. Nakuha noong 17 Mayo 2009.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 L'Chayim: Ayelet Zurer.
  5. ""הקריירה שלי התחילה בצופים"". mako. 2013-08-12. Nakuha noong 2023-11-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)