Ayslador (elektrisidad)

Ang elektrikal na ayslador (Kastila: aislador, Ingles: insulator) ay isang materyal na ang panloob na mga kargang elektriko ay hindi malayang dumadaloy at kaya ay hindi makapag-kokondukta ng kuryenteng elektriko sa ilalim ng impluwensiya ng isang elektrikong field. Ang isang perpektong ayslador ay hindi umiiral ngunit ang ilang mga materyal gaya ng baso, papel, at teflon ay napakahusay na mga elektrikal na ayslador. Ang isang higit na mas malaking klase ng mga materyal bagaman ang mga ito ay may mas mababang bulkong resistibidad ay sapat pa ring mahusay sa pag-iinsula ng pagkakawad na elektrikal at mga kable. Ang mga halimbawa ay kinabibilangan ng tulad ng gomang mga polimero at karamihan ng mga plastik. Ang gayong mga materyal ay nagsisilbi bilang mga praktikal at ligtas na ayslador para sa mababa hanggang katamtamang mga boltahe(mga daan daang o kahit libo libong mga volt). Ang mga ayslador ay ginagamit sa mga kasangkapang elektrikal upang suportahan at ihiwalay ang mga konduktor nang hindi pumapayag sa kuryente sa mga sarili nito. Ang nag-iinsulang materyal na ginagamit sa bulko upang ibalot ang mga elektrikal na kable o iba pang mga kasangkapan ay tinatawag na insulasyon. Ang ayslador ay ginagamit rin ng mas spesipiko upang tukuyin ang mga nag-iinsulang suporta na ginagamit sa pagkakabit ng distribusyong kapangyarihang elektriko o mga linyang transmisyong kapangyarihang elektriko sa mga polong utilidad at mga toreng transmisyon.

Seramikong ayslador na ginagamit sa riles ng tren.
Nagkokonduktang tansong kawad na ininsula ng isang panlabas na patong ng polyethylene
Kung ang isang materyal ay isang ayslador ay depende sa bandang puwang nito na enerhiyang kailangan ng elektron upang gumawa ritong konduksiyong elektron upang ito ay malayang makagalaw. Ang mga materyal na may isang malawak na bandang puwang ay may labis na kaunting mga konduksiyong elektron na gumagawa ritong mga ayslador.
3-core na tansang kawad na kable ng kuryente na ang bawat core na may indibidwal na kinodigo ng kulay na mga nag-iinsulang sheath ay lahat nakapaloob sa loob ng isang panlabas na protektibong sheath.
PVC-sheathed Ininsula ng mineral na tansong kable na may 2 nagkokonduktang core.