Ayungin

espesye ng isda

Ang ayungin (Leiopotherapon plumbeus) o silver perch[1] ay isang uri ng isda sa pamilyang Terapontidae. Endemiko ito sa Pilipinas, at may iba't ibang pangalan ito maliban sa ayungin, tulad ng bugaong, bigaong, at bagaong.[1]

Ayungin
Mga ayungin na ibinebenta sa isang palengke sa Pilipinas.
Klasipikasyong pang-agham edit
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Actinopterygii
Orden: Perciformes
Pamilya: Terapontidae
Sari: Leiopotherapon
Espesye:
L. plumbeus
Pangalang binomial
Leiopotherapon plumbeus
(Kner, 1864)
Kasingkahulugan

Datnia plumbea Kner, 1864

Paglalarawan

baguhin

Umaabot ang espesye ng 16 sentimetro sa pinakamahabang haba.[2]

Nagtataglay ang espesye na ito ng pangangalaga ng ama, na naoobserbahan na binabantayan at inaasikaso ng mga lalaking ayungin ang mga itlog.[3]

Paggamit

baguhin

Hinuhuli at kinakain ang mga isda ng mga lokal. Itinuturing ito na isa sa mga pinakamasarap na katutubong isda sa tubig-tabang sa Pilipinas. Pakonti nang pakonti ang suplay nito dahil sa labis na pangingisda, at bihira na ito ngayon sa mga pamilihan, kaya medyo mahal na ito.[4]

Ipinapakain din ang isda sa mga pato.[4]

Pagpapanatili

baguhin

Humina ang populasyon ng ayungin dahil sa labis na pangingisda.[4] Noong 1991, ito ang pinakasaganang isda sa Laguna de Bay, ang pinakalaking lawa sa Pilipinas; mula noong 2002, ito ang ikatlong pinakasagana. Nag-ambag ang sedimentasyon at polusyon sa pagbaba ng populasyon sa lawa.[5]

Pinapalaki ang isda sa mga proyetong pagpapalahi ng mga nahuli, kung saan lumalaki ito ng mabuti sa diyetang binubuo ng pagpapakain ng sugpo at bulateng tubifex.[4] Dindosis ito na mga hormona upang hikayating mangitlog.[6]

Galeriya

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Froese, R. and D. Pauly, Eds. Common names of Leiopotherapon plumbeus [Mga karaniwang pangalan ng Leiopotherapon plumbeus] (sa wikang Ingles). FishBase. 2013.
  2. Froese, R. and D. Pauly, Eds. Leiopotherapon plumbeus. FishBase. 2013. (sa Ingles)
  3. Froese, R. and D. Pauly, Eds. Leiopotherapon plumbeus. FishBase. 2013. (sa Ingles)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 'Ayungin' (Leiopotherapon plumbeus) target of conservation attempt by researchers. Naka-arkibo 2013-05-18 sa Wayback Machine. ['Ayungin' (Leiopotherapon plumbeus) target ng pagtatangka sa konserbasyon ng mga mananaliksik] (sa wikang Ingles). innovations-report.com Abril 29, 2009.
  5. Santos, B. S. et al. (2010). Geometric morphometric analysis and gill raker count variation of populations of the endemic Philippine silver perch, Leiopotherapon plumbeus (Perciformes: Terapontidae). The Philippine Agricultural Scientist 93(4) (sa Ingles)
  6. Agron, E. B. BAR highlights promising UPLB technology to save endangered fish species. Naka-arkibo 2013-07-01 at Archive.is BAR Chronicle 10(8). Agosto, 2009. Bureau of Agricultural Research. (sa Ingles)