Ang "Bésame Mucho" ay isang awit na nasa Kastila. Isinulat ito ng Mehikanang si Consuelo Velázquez noong 1940, bago sumapit ang kanyang ika-16 na kaarawan.

Inspirasyon

baguhin

Ayon mismo kay Velázquez[1], naisulat niya ang kantang ito bagaman hindi pa siya nakakatanggap ng halik mula sa kaninuman. Sa kanyang pagkakarinig, itinuturing na kasalanan ang pakikipaghalikan. Napukaw siya ng aryang "Quejas, o la Maja y el Ruiseñor" mula sa operang Kastilang Goyescas ni Enrique Granados.[2]

Pagsikat

baguhin

Si Emilio Tuero ang unang nagrekord ng awiting ito. Ginamit ito sa mga tugtuging pampelikula, kabilang na ang Great Expectations, A toda máquina, Moon Over Parador, Arizona Dream, Moscow Does Not Believe In Tears, The Naked Gun 2½: The Smell of Fear, In Good Company, Paid, Juno, Mona Lisa Smile, Mivtza Savta, Ljubav i drugi zločini, at Niravana by Gabriel Salvatores .

Panitik at pagsasalinwika

baguhin

Isinalin ni Sunny Skylar ang liriko ng awiting ito mula Kastila patungong Ingles. Sa pagsasalinwika, nanganguhulugan ang pariralang "bésame mucho" bilang "halikan mo ako ng marami".

Orihinal na panitik

baguhin

Bésame, bésame mucho,
Como si fuera esta noche la última vez.
Bésame, bésame mucho,
Que tengo miedo perderte, perderte después.

Quiero tenerte muy cerca,
Mirarme en tus ojos, verte junto a mí.
Piensa que tal vez mañana
Yo ya estaré lejos, muy lejos de tí.

Bésame, bésame mucho,
Como si fuera esta noche la última vez.
Bésame, bésame mucho,
Que tengo miedo perderte, perderte después.

Pagsasalin sa Tagalog

baguhin

Naririto ang salin sa wikang Tagalog:

Halikan mo ako, halikan mo ako ng marami
Na para bang ngayon na ang huling gabi.
Halikan mo ako, halikan mo ako ng marami,
Natatakot akong mawala ka, mawala ka pagkaraan.

Nais kong maging napakalapit mo sa akin,
Matanaw ang aking sarili sa iyong mga mata, makita kang katabi ko.
Isiping maaaring bukas
Magiging malayung-malayo na ako mula sa iyo.

Halikan mo ako, halikan mo ako ng marami
Na para bang ngayon na ang huling gabi.
Halikan mo ako, halikan mo ako ng marami,
Natatakot akong mawala ka, mawala ka pagkaraan.

Pagsasalin sa Ingles

baguhin

Narito naman ang salin sa wikang Ingles:

Kiss me, kiss me a lot,
As if tonight was the last time.
Kiss me, kiss me a lot,
I fear to lose you, to lose you afterward.

I want to have you very close,
See myself in your eyes, see you next to me.
Think that maybe tomorrow
I'll be far, far away from you.

Kiss me, kiss me a lot,
As if tonight was the last time.
Kiss me, kiss me a lot,
I fear to lose you, to lose you afterward.

Mga puna ukol sa mga panitik

baguhin

Maraming mga interpretasyon ng awit ang gumagamit ng pariralang "perderte otra vez" (malimutan kang muli) sa halip na ang orihinal na "perderte despues" (kalimutan ka pagkaraan). Sa isang bidyo mula sa TV Mexicana[3] ipinakikita si Consuelo Velázquez ang mismong tumutugtog ng piyano at binanggit ng mang-aawit ang pariralang "perderte depues". Nangangahulugan ang "perderte despues" ng "mawala ka (sa aking piling) sa hinaharap". Dahil sa isinulat ito ni Velazquez noong 15 taong gulang pa lamang siya, nagpapakita ang pangungusap na ito ng pagkakaroon niya ng kaunting karanasan sa buhay at ng inosente[4] o walang kamalayan pang damdamin. May ibig sabihing "muli kang mawala (sa aking piling)" ang "perderte otra vez". Binago o pinalitan ang parirala upang mas makaantig ng mas maraming mga tagapagkinig ng awit o manonood ng pagtatanghal na may mas maraming karanasan na sa buhay.

Noong 2007, nanominahan ng isang Grammy si Steve Wiest, isang kompositor, areglista, at trombonista ng jazz, para sa Pinakamagaling na Kaayusang Pang-instrumento dahil sa kanyang bersiyon ng "Besame Mucho" na inirekord ni Maynard Ferguson sa The One and Only Maynard Ferguson.

Kilala rin ang "Bésame Mucho" sa mga pamagat sa pagsasalinwika, katulad ng "Kiss Me Much", "Kiss Me a Lot", "Kiss Me Again and Again", "Embrasse-Moi", "Stale Ma Bozkavaj", "Suutele minua", at "Szeretlek én".

Mga sanggunian

baguhin