Bülent Ersoy
Si Bülent Ersoy (Pagbigkas sa Turko: [byˈlent ˈeɾsoj]; ipinanganak noong 9 Hunyo 1952) ay isang Turkish na trans woman na celebrity at sikat na mang-aawit ng musikang klasikal na Ottoman. Si Ersoy ang naging simbolo ng lumalaking pagtanggap sa mga taong LGBT sa Turkiya.
Bülent Ersoy | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Bülent Erkoç |
Kilala rin bilang | Diva, Abla |
Kapanganakan | Istanbul, Turkey | 9 Hunyo 1952
Genre | Ottoman classical music, Arabesque |
Trabaho | Singer, actress |
Instrumento | Vocals |
Taong aktibo | 1974–present |
Website | divabulentersoy.com |
Siya ay kilala bilang isa sa pinakadakilang mang-aawit ng musikang Turkish at tinatawag ng kanyang mga fan na Diva. Ang kanyang mga sikat na hit ang "Geceler" (Nights), "Beddua" (Curse), "Maazallah" (God Forbid!), "Biz Ayrılamayız" (We Cannot Break Up), "Sefam Olsun" (I Enjoy Myself), "Bir Tanrıyı Bir de Beni Sakın Unutma" (Never Ever Forget God and Me).
Talambuhay
baguhinSi Bülent Ersoy ay ipinanganak sa Bülent Erkoç noong 9 Hunyo 1952 sa Istanbul. Siya ay nagsimula ng kanyang karera sa pagkanta bilang isang lalakeng mang-aawit sa genre ng Turkish classical music, at naging isang aktor. Siya ay nagpapalit ng kasarian sa London noong 1981 bagaman hindi niya pinalitan ang kanyang pangalang panglalake. Pagkatapos ng pagbabago ng kasarian, siya ay sinalungat ng rehime ni Kenan Evren. Sa pagsugpo ni Evren sa mga "hindi umaayon sa kaugaliang panlipunan", ipinagbawal ang mga pagtatanghal ni Ersoy at ng ibang mga transeksuwal. Pinetisyon ni Ersoy ang mga korte na kilalanin siya bilang isang babae noong Enero 1982 ngunit ito ay hindi pinayagan. Pagkatapos ng ilang araw, siya ay nagtangkang magpakamatay. Noong 1983, nilisan na niya ang entertainment industry. Sa parehong taon, umalis na si Evren sa opisina at ang mga patakaran niya ay binawi. Pinagpatuloy ni Ersoy ang kanyang karerang pagkanta sa Germany bukod pa sa Turkey. Gumawa rin siya ng mga pelikulang Turkish sa Germany. Sa parehong panahon, siya ay nagkaroon ng relasyon kay Birol Gürkanlı. Noong 1988, ang Turkish Civil Code ay binago upang ang mga nagpapalit ng kasarian ay makakapagapply ng isang pink o blue(kung lalaki) na identity card na legal na kikilala sa kanilang bagong kasarian. Agad na bumalik si Ersoy sa pagkanta at pagarte sa Turkey at naging mas sikat bilang isang babae kesa bilang isang lalake. Ang publiko ay tumawag sa kanyang Abla o "Ate" bilang pagtanggap nila ng kanyang bagong kasarian. Noong 1995 sa kanyang album na Alaturka, kinanta niya ang adhan bilang bahagi ng "Aziz İstanbul," na aktong ikinagalit ng mga klerikong Muslim dahil sa kanyang pagiging transwoman. Noong 1998, pinakasalan niya si an Cem Adler. Si Ersoy ay nasugatan noong Enero 1999 habang nagmamaneho kasama ng kanyang asawa ngunit gumaling. Sa parehong taon, diniborsiyo niya ang kanyang asawa dahil sa nalaman niya ang pakikitagpo nito sa isang call girl. Nagpatuloy na magtanghal si Ersoy sa maraming mga palabas sa telebisyon at nagsilbing hurado sa isa sa pinakasikat na palabas sa telebisyon sa Turkey na "Popstar Alaturka". Pinakasalan ni Ersoy ang contestant ng "Popstar Alaturka" na si Armağan Uzun noong Hulyo 2007 ngunit nakipagdiborsiyo noong Enero 2008.
Diskograpiya
baguhin- Konser 1 (1976)
- Konser 2 (1977)
- Orkide 1 (1978)
- Orkide 2 (1979)
- Beddua (1980)
- Yüz Karası (1981)
- Mahşeri Yaşıyorum (1982)
- Ak Güvercin (1983)
- Düşkünüm Sana (1984)
- Yaşamak İstiyorum (1985)
- Suskun Dünyam (1987)
- Biz Ayrılamayız (1988)
- Anılardan Bir Demet (1988)
- İstiyorum (1989)
- Öptüm (1990)
- Bir Sen, Bir De Ben (1991)
- Ablan Kurban Olsun Sana (1992)
- Sefam Olsun (1993)
- Akıllı Ol (1994)
- Benim Dünya Güzellerim (1996)
- Alaturka 95 (1995)
- Maazallah (1997)
- Alaturka 2000 (2000)
- Canımsın (2002)
- Aşktan Sabıkalı (2011)
Pilmograpiya
baguhin- Sıralardaki Heyecan (1976)
- Ölmeyen Şarkı (1977)
- İşte Bizim Hikayemiz (1978)
- Beddua (1980)
- Yüz Karası (1980)
- Acı Ekmek (1984)
- Asrın Kadını (1985)
- Tövbekar Kadın (1985)
- Benim Gibi Sev (1985)
- Efkarlıyım Abiler (1986)
- Yaşamak İstiyorum 1 (1986)
- Yaşamak İstiyorum 2 (1986)
- Kara Günlerim (1987)
- Biz Ayrılamayız (1988)
- İstiyorum (1989)