Bakgamon
Ang bakgamon o backgammon sa Ingles ay isang larong tabla para sa dalawang manlalaro na kung saan ginagalaw ang mga nilalarong piyesa sang-ayon sa paggulong ng betu-beto. Nananalo ang isang manlalaro kapag natanggal ang lahat ng kanyang piyesa mula sa tabla. Napakaraming mga baryante ang backgammon, karamihan may magkakatulad na katangian ang mga ito. Kasapi ang backgammon sa mga pamilyang tabla, isa sa mga pinakamatandang uri ng larong tabla sa buong mundo.
Backgammon | |
---|---|
Magkakasamang kagamitan ng backgammon, na binubuo ng tabla, dalawang pangkat ng 15 piyesa, dalawang pares ng betu-beto, kubong pang-doble, at lalagyan ng betu-beto | |
Mga manlalaro | 2 |
Edad ng manlalaro | 5+ |
Oras sa pag-aayos | 10–30 segundo |
Haba ng paglalaro | 5–30 minuto |
Pangangailangan sa tsansa | Betu-beto |
Kailangang talento | Pagbibilang, Mga Taktika, Stratehiya, Probabilidad |
Bagaman may mahalagang ginagampanan ang swerte, may malaking ginagampanan ang stratehiya sa larong ito. Sa bawat paggulong ng betu-beto, kailangang pumili ang manlalaro mula sa iba't ibang mga pagpipiliang galaw para sa kanyang mga piyesa at mahulaan ang posibleng kontra-galaw ng kanyang kalaban. Maaaring itaas ang pusta ng mga manlalaro habang naglalaro. May mga nakatakdang mga reportoryo ng karaniwang taktika at mga kaganapan.
Katulad ng ahedres, pinag-aaralan ang backgammon na may malaking interes ng mga siyentipiko ng kompyuter. Hinggil sa pananaliksik nito, naigawa ng software para sa backgammon na maaaring matalo ang magagaling manlalarong tao na tanyag sa buong mundo.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.