Bagua
Ang bagua (Tsino: 八卦; pinyin: bāguà; Wade–Giles: pakua; Pe̍h-ōe-jī: pat-kòa; lit.: "walong simbolo") ay walong mga trigrama na ginagamit sa kosmolohiyang Taoista upang kumatawan sa mga saligang prinsipyo ng realidad, na tinatanaw bilang isang kasaklawan ng walong magkakaugnay na mga diwa. Ang bawat isa ay binubuo ng tatlong mga guhit, na ang bawat linya ay maaaring "putol" o "walang patid", na kumakatawan sa yin o kaya sa yang. Dahil sa kayariang may tatlong mga bahagi, kadalasan tinutukoy ang mga ito bilang mga "trigrama".
Ang mga trigrama ay may kaugnayan sa pilosopiya ng taiji, sa taijiquan at sa wu xing, o "limang elemento".[1] Ang mga ugnayan sa pagitan ng mga trigrama ay kinakatawan sa dalawang mga pagkakaayos, ang "Primordiyal" (先天八卦, "mula sa simula"), "Mas Maagang Langit"[2] o baguang "Fuxi" (伏羲八卦), at ang "Inihayag" (後天八卦), "Mas Huling Langit"[2] o baguang "King Wen". Ang mga bagua ay mayroong pagkakaukol sa astronomiya, astrolohiya, heograpiya, heomansiya, anatomiya, sa mag-anak, at kung saan pa man.[3][4]
Ang sinaunang klasikong Intsik na I Ching ay binubuo ng 64 na maaaring maging paris ng mga trigrama (tinatawag na mga "heksagrama") at mga paliwanag hinggil sa mga ito.
乾 Qián ☰ |
兌 Duì ☱ |
離 Lí ☲ |
震 Zhèn ☳ |
巽 Xùn ☴ |
坎 Kǎn ☵ |
艮 Gèn ☶ |
坤 Kūn ☷ |
---|---|---|---|---|---|---|---|
Langit/Himpapawid | Lawa/Latian | Apoy | Kulog | Hangin | Tubig | Bundok | Lupa |
天 Tiān | 澤(泽) Zé | 火 Huǒ | 雷 Léi | 風(风) Fēng | 水 Shuǐ | 山 Shān | 地 Dì |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ CHEN, Xin (isinalinwika ni Alex Golstein). The Illustrated Canon of Chen Family Taijiquan, INBI Matrix Pty Ltd, 2007. page 11. (pinuntahan sa Scribd.com noong Disyembre 14, 2009.)
- ↑ 2.0 2.1 Wilhelm, Richard; isinalinwika ni Cary F. Baynes, paunang pananalita ni C. G. Jung, punong salita para sa ikatlong edisyon ni Hellmut Wilhelm (1967) (1950). The I Ching or Book of Changes. Princeton, NJ: Princeton University Press. pp. 266, 269. ISBN 069109750X.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ TSUEI, Wei. Roots of Chinese culture and medicine Naka-arkibo 2012-08-12 sa Wayback Machine. Chinese Culture Books Co., 1989.
- ↑ ZONG, Xiao-Fan and Liscum, Gary. Chinese Medical Palmistry: Your Health in Your Hand, Blue Poppy Press, 1999.