Ang Pinyin (Tsino: 拼音; pinyin: pīnyīn) o Hanyu Pinyin (汉语拼音 / 漢語拼音) ay ang kasalukuyang pinakaginagamit na sistemang romanisasyong para sa Pamantayang Mandarin (标准普通话 / 標準普通話). Ang Hànyǔ (汉语 / 漢語) ay nangangahulugang Wikang Tsino, at ang pīnyīn (拼音) ay nangangahulugang "ponetiko".[1] Kilala ang sistema sa paggamit sa Pamantayang Mandarin, at hindi ginagamit sa ibang wikang Tsino, kasama na ang sinaunang opisyal na Tsinong Guangyun (广韵 / 廣韻). Ang sistema ay ginagamit ngayon sa Tsina, Hong Kong, Macau, at ilang bahagi ng Taiwan, Malaysia at Singapore bilang panturo sa Wikang Mandarin[2] at sa ibang bansa upang turuan ng Mandarin bilang ikalawang wika. Ginagamit din ito upang baybayin ang mga pangalang Tsino sa mga banyagang palimbagan at maaaring gamitin upang maipasok ang mga Tsinong karakter (hanzi} sa kompyuter o sa cellphones.

Mga sanggunian baguhin

  1. Harbaugh, Richard (1998). "中文字普 (Chinese Characters: A Genealogy and Dictionary)". Zhongwen.com. Nakuha noong 2008-04-27.
  2. Snowling, Margaret J.; Hulme, Charles (2005). The science of reading: a handbook. (Volume 17 of Blackwell handbooks of developmental psychology). Wiley-Blackwell. pp. 320–322. ISBN 1405114886.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.