Bakit Kalbo ang Kuling
Ang "Bakit Kalbo ang Kuling" (Ingles: Why the Culing has a Tonsure) ay isang kwentong-bayan mula sa Pilipinas. Maari itong ituring na isang alamat — isang uri ng kuwentong bayan na nagpapaliwanag o naglalaman ng mga kwento tungkol sa pinagmulan ng isang lugar, pangalan ng mga tao, hayop, halaman o bagay-bagay. Karaniwan, ang mga alamat ay naglalaman ng mga elementong mahika o di-karaniwan na tumutugma sa paniniwala at kultura ng isang lugar o grupo ng mga tao. Ito ay isang mahalagang bahagi ng mga tradisyonal na kwento ng isang kultura o bansa.
Pinapaliwanag ng kwentong-bayan na ito kung bakit kalbo ang kuling sa anyong pabula. Sa paglalahad ng isang taong nangangalang Francisco M. Africa, sinasabing may isang Pogo at Kuling na nagpapayabangan kung sino ang mas mataas lumipad. Nang lumipad si Kuling na napakataas sa langit, nasunog ang mga balihibo sa kanyang ulo dahil napakainit sa itaas ng langit. At ito ang dahilan kung nakalbo ang kuling ayon sa kwentong-bayan na ito.
Koleksyon
baguhinAng kwentong ito ay isa sa mga nilikom ni Dean S. Fansler, PhD sa kaniyang librong: Filipino Popular Tales.[1] Ang naturang aklat ay nailimbag ng American Folklore Society noong 1921 sa Lancaster, PA at sa New York. Bagamat ang kwento ay naisalin sa Tagalog at iba pang diyalekto, nailimbag ito sa Ingles. Sa kaniyang paliwanag, pampanitikan at hindi linggwista ang layunin ng kaniyang paglilimbag ng kwentong ito sa Ingles.[1] Bagamat muli, maaring ilimbag ang kwento sa Espanyol, minarapat ni Fansler na gamitin ang Ingles dahil ayon sa kaniya, ito ang mas umiiral na lengwahe noong mga panahong yaon.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Fansler, Dean S. Filipino Popular Tales. 1921. Project Gutenberg, 2008, www.gutenberg.org/ebooks/8299.