Balamban (uri ng balat)

(Idinirekta mula sa Balamban (membrano))

Ang balamban, balok, lamad,[1] o membrano ay isang manipis na uri ng balat.[2] Ang katagang "membrano" ay pinakakaraniwang tumutukoy sa isang manipis na kayarian ng balat o kulaba na naghihiwalay ng dalawang mga pluwido. Gumaganap ito bilang isang mapili na hadlang, na nagpapahintulot ng ilang mga partikulo o mga kimikal na makalagos, subalit hindi ang iba. Sa ilang mga pagkakataon, natatangi na ang sa anatomiya, ang membrano ay maaaring tumukoy sa isang manipis na kulaba na pangunahing nagsisilbi bilang isang kayariang panghiwalay sa halip na harang na mapili.

Ang diwa ng isang membrano ay nalalaman na magmula pa noong ika-18 daantaon, subalit nanatili ito bilang isang kasangkapan lamang para sa pagpapaunlad ng mga teoriyang pampisika at pangkimika hanggang sa wakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nang magkaroon ng suliranin ang mga napagkukunan ng maiinom na tubig sa Europa at ginamit ang mga pansalang membrano upang masubok ang pagiging ligtas na maiinom ng tubig. Subalit, dahil sa kawalan ng pagkamaasahan, mabagal na paggalaw, nabawasang kakayahan sa pagpili at tumaas na halaga ng gastusin, kung kaya't ang pakinabang ng mga membrano ay hindi malawakang nasiyasat at napaunlad. Ang unang paggamit ng mga membrano nang malawakan ay ang sa mga teknolohiya ng mikropiltrasyon at ultrapiltrasyon. Magmula noong dekada ng 1980, ang mga prosesong ito ng paghihiwalay, kasama na ang elektrodiyalisis, ay ginagamit sa malalaking mga halaman, at sa ngayon ay mayroong mga kumapanyang may karanasan na naghahain sa pamilihan.[3]

Ang membrano ay isang patong ng materyal na nagsisilbi bilang isang mapili na harang sa pagitan ng dalawang mga hakbang at nananatiling natatagusan ng espesipikong mga partikulo, mga molekula, o mga sustansiya kapag nalantad sa kilos ng puwersang nagtutulak. Ilan sa mga langkap ay pinapahintulutang makalagos ng membrano papasok isang daloy ng permeado (permeate), habang ang iba ay sinasala nito at naiipon sa daloy ng retentado (retentate).[4]

Ang mga membrano ay maaaring mayroong iba't ibang mga kakapalan, na may kayariang homoheneoso o heteroheneoso. Maaari ring uri-uriin ang mga membrano ayon sa diyametro ng kanilang mga poro o maliliit na mga butas. Ayon sa IUPAC, mayroong tatlong iba't ibang mga uri ng sukat ng mga poro: ang mikroporoso (dp < 2 nm), mesoporoso (2 nm < dp < 50 nm) at makroporoso (dp > 50 nm).[5] Ang mga membrano ay maaaring maging neyutral o kargado (may karga), at ang paghahatid ng mga partikulo ay maaaring aktibo o pasibo. Ang panghuli ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng mga gradyente o antas (grado) ng presyon, konsentrasyon, kemikal, o kuryente ng proseso ng membrano. Ang mga membrano ay pangkalahatang inuuri ayon sa pagiging membranong sintetiko at membranong biyolohikal.[6]

Gamit na pang-industriya

baguhin

Ang ilang partikular na mga tampok ng mga membrano ay nanagot sa pagkaakit na gamitin ang mga ito bilang panghalili sa pinagsasama-samang mga proseso ng paghihiwalay na pang-industriya, katulad ng distilasyon, adsorpsiyon o ekstraksiyon. Ang ilan sa mga kapakinabangang na napuna ay kinabibilangan ng:[7]

  • Hindi gaanong gumagamit ng enerhiya, dahil hindi kailangan ng mga ito ng malakihang mga pagbabagong pangkahakbangan
  • Hindi nangangailangan ng mga adsorbiyente o mag solbiyente, na maaaring mahal ang halaga o mahirap na pangasiwaan
  • Kapayakan at modularidad ng kasangkapan, na nakapagpapadali o nakapagpapaginhawa sa pagsasanib ng mas kapakipakinabang at matatalab na mga membrano

Mga sanggunian

baguhin
  1. membrane, lingvozone.com
  2. membrane Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., bansa.org
  3. "Membranes on Polyolefins Plants Vent Recovery, Improvement Economics Program". by Intratec, ISBN 978-0615678917, Q3 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-13. Nakuha noong 2012-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Zydney, Andrew L.; Zeman, Leos J. (1996). Microfiltration and ultrafiltration: principles and applications. New York: CRC. ISBN 0-8247-9735-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  5. Macroporous Materials Containing Three Dimensional Periodic Structures
  6. Mulder, Marcel (1996). Basic principles of membrane technology (ika-2 (na) edisyon). Kluwer Academic: Springer. ISBN 0-7923-4248-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Membranes on Polyolefins Plants Vent Recovery, Improvement Economics Program". by Intratec, ISBN 978-0615678917, Q3 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-13. Nakuha noong 2012-12-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)