Ang balbas pusa (Orthosiphon stamineus, kilala din sa tawag na Orthosiphon aristatus) ay isang halamang gamot na tumutubo sa Timog-silangang Asya o sa mga tropikal na lugar. Ang dahon ng halamang ito ay pangkaraniwan nang ginagamit bilang tsaa sa mga bansang Asyano at Europeo. Ang tsaa na gawa sa balbas pusa ay mas kilala sa tawag na tsaang Java. Balbas pusa ang tawag ng halamang ito dahil sa mga bulaklak nitong hawig sa balbas ng pusa.

Balbas pusa
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
(walang ranggo):
(walang ranggo):
(walang ranggo):
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
O. stamineus
Pangalang binomial
Orthosiphon stamineus
Balbas pusa Kabling-gubat

Sa tradisyunal na medisina, ang mga dahon ng halamang ito ay ginagamit bilang pampaihi, gamot sa rayuma, sakit ng tiyan, pamamaga ng bato at pantog, pamamanas at gota. Ang mga makabagong pag-aaral sa halamang gamot na ito ay nagsasabing ito ay nagtataglay ng iba’t ibang uri ng kapakipakinabang na mga sangkap na siyang dahilan kung bakit sadyang epektibo ang balbas pusa bilang halamang gamot.

Ang balbas pusa ay nagtataglay ng sangkap na nakapag-iibayo ng kakayahan ng tamoxifen, isang kemikal na lumalaban sa sakit na kanser sa suso.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Kumar, G. Rajesh; Jeyabaskar, Suganya; Mahendran, Radha (Abril - Hunyo 2016). "Anti-Cancer Activity of Orthosiphon stamineus Against the Target Protein ERα in Breast Cancer by Insilico Docking Studies" (PDF). Parmakolohiya at Biyoinpormatika (sa wikang Ingles). International Journal of Pharma and Chemical Research: 96. ISSN 23853411. {{cite journal}}: Check |issn= value (tulong); Check date values in: |date= (tulong); line feed character in |title= at position 65 (tulong)